Komedyanteng si Tekla, walang uwian ‘pag naglalaro ng bingo?!
Nangungutang pa raw ‘pag natatalo...
Grabe palang maglaro ng bingo ng komedyanteng si Tekla, walang tulugan.
Ayon sa kuwento ng isang suki rin sa bingohan sa QC, wala raw talaga itong uwian ‘pag naglalaro.
Doon na raw ito kumakain.
Ayon pa sa kuwento ng source, ‘pag natatalo raw ito nanghihiram sa kakila ru’n.
One time diumano ay may hiniraman ito ng P700.
Pero nabayaran naman daw.
At kung natatalo, mas madalas naman daw itong manalo.
Nakailang jackpot na raw ito sa nasabing bingohan.
Diumano’y nanalo na ito ng P300,000 doon.
Well, bongga na rin. Baka rin nagpapalipas din siya ng oras kaya siya nagbi-bingo.
Saka mas ok naman ito kesa casino.
- Latest