Awra, sinampahan ng panibagong tatlong kaso
May future pa ba ang career ni Awra Briguela?
Kinasuhan pala ulit siya sa Makati Prosecutor’s Office dahil pa rin sa naganap na rambulan noong Hunyo 29 sa isang KTV bar sa Poblacion, Makati.
Mga kasong light threats, grave coercion at paglabag sa Safe Spaces Act ang mga bagong kasong isinampal kay Awra.
Nauna na siyang kinasuhan ng slight physical injuries at simple disobedience to a person in authority.
Nakabayad siya ng piyansa na P6,000 kaya pansalamantala siyang nakalaya.
Maalala ngang nasangkot si Awra sa rambulan na nung una ay lumalabas pa na wala siyang kasalanan. Pero kumalat ang mga video sa totoong pangyayayari sa labas ng The Bolthole Bar sa Poblacion.
Ayon sa complainant, gusto ni Awra na paghubarin ang lalaking napagtripan nila ng pantalon nito, ngunit nang tumanggi ito, nagalit ang komedyante.
Lumabas ng bar ang grupo pero sinundan ng grupo ni Awra na sinubukang pigilan ng mga bouncer. Doon naganap ang rambulan.
Nauna nang sinabi ng Makati City Police na sinubukan ng mga pulis na kausapin si Awra ngunit sinalubong sila ng mga pagmumura at hindi ito nakinig sa mga awtoridad.
Iba naman ang sinabi ng kaibigan ni Briguela na sinubukan siyang ipagtanggol nito matapos siyang bastusin ng lalaki pero itinanggi naman ito ng bouncer ng bar.
Nag-feeling superstar kasi diumano itong si Awra kaya ang ending, nganga ang career.
- Latest