^

PSN Showbiz

‘Ang bottomline ng ating buhay is all about relationships’ – Boy

Pilipino Star Ngayon
‘Ang bottomline ng ating buhay is all about relationships’ – Boy
Boy, Pia at Alan

Hindi napigilang alalahanin ni Senador Pia Cayetano ang legacy ng yumaong ama na si Senador Rene Cayetano matapos harapin ang isang reklamo tungkol sa karapatan ng mga empleyado sa pinakahuling episode ng CIA with BA, partikular sa segment na Payong Kapatid.

Isang alyas “Cesar” ang dumulog sa programa upang humingi ng payo kina Pia, kapatid at kapwa-Senador Alan Peter, at Boy Abunda tungkol sa hinihingi nitong separation pay mula sa pinagtatrabahuhang maliit na tindahan.

“Actually, our dad was a labor lawyer so nung dini-discuss ‘yon, nagrereview ako ng labor code, ang naaalala ko ‘yung time na estudyante palang ako, labor lawyer na siya and ‘yun ang objective niya na hindi mapahirapan ang mga kababayan natin—‘yung mga karapatan nila maipaglaban nila,” pagbabahagi ni Pia nang tanungin ni Tito Boy ng kanyang takeway mula sa mga kwentong narinig.

“But at the same time, gusto rin naman natin na ‘yung mga negosyo, kumikita, kasi diyan din naman nagtatrabaho ang mga tao. So ‘yung objective niya is lahat tayo masaya,” sabi niya.

“Ako, alang-alang sa tatay ko, although hindi ako expert ng labor law, pero I’m always happy to revisit and to share that knowledge and that passion our father had,” dagdag pa niya.

“We keep saying, ‘tayong mga Pilipino, pamilya tayo.’ Pero hindi naman natin mabayaran nang tama ‘yung empleyado natin, ‘di ba? So if you want to be a family, let’s actually treat each other like a family member,” saad naman ni Senador Alan.

Nagbahagi naman siya ng isang kasabihan mula kay Pastor Peter Tan-Chi ng Christ’s Commission Fellowship (CCF) habang inilalahad ang mga saloobin tungkol sa isyu na tinalakay sa Case 2 Face segment, kung saan isang nag­ngangalang Fel Aguilar ang nagreklamo tungkol sa kaibigan na si Shane Garcia na nag-post ng kanyang maselang video sa internet.

Sa pagtatapos ng programa, pinaalalahanan ni Tito Boy ang mga manonood na alagaan ang mga relasyon. “Sa lahat ng mga ginawa natin tungkol sa mga relasyon–sa ‘Case 2 Face,’ importante na alam natin kung paano tayo maging isang kaibigan. Sa ‘Payong Kapatid naman, again, it’s about relationship… ‘ano ba ang patas?... [Sa] palagay ko, ang bottomline ng ating buhay is all about relationships,” aniya.

‘Wag palagpasin ang CIA with BA tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA 7.

PIA CAYETANO

TITO BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with