^

PSN Showbiz

Pagmumura ni Wally nag-trending, Jose nasilip sa pagbanggit ng bulaga

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nag-trending nung Huwebes ng hapon ang isang tagpo sa E.A.T. ng TV5 ang na­rinig na mura sa segment nilang Sugod Bahay Mga Kapatid. Nung una ay nagsasalita si Wally Bayola at sumunod si Jose Manalo.

Pero biglang nawala sa frame si Wally at narinig na lang ang isang malakas na tiling nagmura.
Parang boses ni Wally, pero hindi naman siya nakita.

Nakitang nabigla sina Tito, Vic and Joey na nasa studio.

Kaya ang daming netizens na nag-react at ipinarating nila ito kay MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio.

Obviously, supporters ng It’s Showtime ang nag-post ng  mga matitinding komento, dahil binabalik na naman nila iyung isyu nina Vice Ganda at Ion Perez na iniimbestigahan ng MTRCB.

Kaya’t sangkatutak ang panawagan na hindi ito dapat palagpasin ng MTRCB.

Pero hindi natin puwedeng diretsahang pagbintangang si Wally ‘yun dahil hindi naman siya nakita sa TV.

Dinig na dinig lang ang sigaw ng murang ‘yun na parang kaboses naman talaga ni Wally.

Kaya sinubukan naming kunan ng reaksyon ang taga-E.A.T. pero hindi naman sumagot si Jeny Ferre.

Nag-text ako sa dating Sen. Tito Sotto, pero hindi rin siya sumagot nang tinanong ko ang tungkol sa isyung pagmumura.

Sumagot lang siya sa isa pang napansin ng mga taga-Eat Bulaga na kung saan binanggit ni Jose Manalo ang Eat Bulaga at na-play pa ang huling bahagi ng dating jingle ng naturang noontime show.

Sabi ng legal counsel ng TAPE, Inc. na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, ‘trademark infringement’ na raw ‘yun.

Kahapon ay muli silang nagharap sa hearing ng kasong Copyright Infringement na isinampa ng TVJ at Jeny Ferre laban sa TAPE, Inc. at GMA 7.

Sa pagkakaalam namin ay si Tito Sen ang isinalang sa witness stand, pero wala pa kaming nakuhang impormasyon kung ano ang nangyari sa hearing.

Pauleen, inakalang lalaki ang pinagbubuntis

Si Tito Sen ang madalas na humaharap sa isyu ng TAPE, Inc. at TVJ.

Si Joey de Leon naman ang panay ang patutsada sa kanyang Instagram account na ikinareact ng mga netizen at pini-pick up din ito.

Si Vic Sotto ay tahimik lang at mukhang super happy sa pagdating ng kanyang bunsong anak.

Dagdag na kuwento sa amin ni Pauleen Luna, baby girl daw talaga ang type ni Bossing Vic. Lalo na’t ‘yun din ang gusto ni Tali.

Kaya sa nakaraang gender reveal party nila, magkakampi sina Bossing Vic at Tali sa baby girl, at si Pauleen lang sa baby boy.

Feeling daw kasi ni Poleng ay boy ang ipinagbubuntis niya, pero nagkamali siya

Kaya tuwang-tuwa ang mag-amang Vic at Tali.

Okay na raw ang pakiramdam ngayon ni Pauleen na malapit nang mag-5th month ang kanyang ipinagbubuntis.

Mabuti raw at  bakasyon ngayon si Tali sa school kaya lalo silang nag-bonding na mag-ina. “So, ine-enjoy ata last few days na bunso siya hehe!” text ni Pauleen sa amin.

Sa February raw ang due niya kaya naka-rest lang siya, at okay naman daw ang pakiramdam niya ngayon. Wala pa raw silang naisip na pangalan sa kanilang magiging bunso.

Paolo, nagpapapayat para kay John

Matutuloy na pala ang pelikulang pagsasamahan nina Paolo Contis at John Arcilla.

Matinding aktingan ito ‘pag magkataon.

Nabanggit noon ni Paolo sa nakaraang premiere night ng pelikula niyang Ang Pangarap Kong Oskars na sana matuloy raw ang isa sa dream roles na gustung-gusto niyang gampanan.

Itong sa pelikula nila ni John ang tinutukoy niya. Pero hindi pa siya sure nung panahong ‘yun.

Pero nung Huwebes lang ay na-finalize na nila sa Mavx Productions dahil nag-meeting na sila para ayusin na ang schedule.

Hindi ito destination movie, dahil dito lang daw sa Pilipinas gagawin.

Kuwento ito ng mag-ama na may tentative title na Fuschia Libre.

Ayaw niya pang sabihin kung anong role niya rito. Pero kailangan daw niyang magpapayat nang bonggang-bongga! “Naka-10 pounds na ang na-lose ko. Siguro mga 5 pa,” text sa amin ni Paolo.

JOSE

TV5

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with