^

PSN Showbiz

Rocco, todo ang takot nang mahulog ang anak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rocco, todo ang takot nang mahulog ang anak
Rocco, EZ at Melissa
STAR/ File

Nagbahagi si Rocco Nacino ng paalala sa mga kagaya niyang parents matapos ang ‘first scare of his life’ sa kanyang anak na si EZ.

Nag-post ang aktor ng video kung saan ikinuwento niya ang nangyari sa kanila ng anak na may kasamang CCTV home footage. Makikita sa video kung saan may papataying lamok si Rocco habang nakaupo sa mesa ang anak pero gumalaw ang anak na ayon sa kanya ay may inaabot itong laruan sa sulok ng lamesa at nabitawan niya ang anak.

Mabuti na lang ay nahawakan niya ang paa nito kaya nasalo ang kanilang baby.

Takot na takot daw siya at naiiyak siya habang kinukwento ang nangyari.

Caption niya, “A reminder for parents, especially new parents, of the importance of keeping your eyes on your child and anticipating danger.”

Iba raw talaga ang takot na naramdaman niya bilang first time dad.

Napakomento naman ang misis niyang si Melissa Gohing sa kanyang post, “Huhuhu pagnandiyan ako iiyak ako. God is good nothing happend.”

Marami namang magulang ang naka-relate sa aktor na sinabing ‘di talaga maiiwasan ang aksidente kaya dapat talagang bantayan ang mga bata.

Kaya naman ngayon daw ay gagawin na niyang baby-proof ang bahay nila para maging safe sa kanilang panganay ni Melissa.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with