^

PSN Showbiz

National Dabarkads Day!

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Isa ako sa mga napakaraming nalungkot nang magkagulo sa loob ng produksyon ng Eat Bulaga. (kahit ‘di ako part ng show ha!) Hindi biro ‘yung apat na dekada ng show para lang mabalewala ang samahan nila at ‘yung saya na naibibigay nila sa Philippine Te-levision. (nakatatak na ‘yan sa mapa!) Ngayon may naiwang Eat Bulaga sa GMA7 na may bagong hosts, at ‘yung mga lumang hosts, may E.A.T. sa TV5. Pero tuloy pa rin ang hidwaan, na umabot pa sa korte. (pareho silang nagse-celebrate ng 44 years ha!)

Minsan sa buhay ko ay naging dabarakads ako. 2009, bago pa lang akong radio jock, nang bigyan ako ng segment sa Eat Bulaga, ang EB Dance station kung saan nagko-comment at nag-ookray ako ng mga contestant. (kasagsagan ito ng aking may ganon?!) Writer ko pa d’yan si Jervi Li na mas kilala na ngayong si KaladKaren. (bagong graduate lang s’ya non at hindi pa mukhang Karen!) ‘Yan ang pinaka una kong tv hosting gig bilang DJ (medyo virgin pa ako n’yan ha!) hanggang sa mabigyan pa ako ng ibang opportunities sa ibang tv programs. (nagmamaganda e!) Kaya noong kontakin ako ng E.A.T. noong nakaraang linggo, para sumalang sa show, yes agad ako! (bilang sayang din ‘yung TF ha!) Tinawag nilang National Dabarkads Day ang episode bilang bahagi ng selebrasyon ng 44 years ng longest running noontime show ng iconic trio nina Tito, Vic and Joey. (taray nung maging part ako ng anniv ha!) Kasabay kong umere ang mga fellow EB graduates ko na sina Super Sireyna Francine, Foreignoy Eduardo, Sinon Loresca, DJ Tom Alvarez at Daiana Meneses. Naglaro kami sa Gimme 5: Ang Laro ng mga Henyo, (parang Pinoy Henyo with a Twist!) kung saan para kaming naging Team Mental Block (o baka nga Team Tanga!) dahil sa naging resulta ng aming laban. (pero as usual ang saya-saya ha!)

Nakakatuwang makita pa rin ‘yung mga original staff at hosts ng show. (parang reunion!) Ibang klase rin na makasama mo sa segment sina Bossing Vic at Sir Joey. (historic ha!) Ilang beses ko na sila nakakasama pero may kakaiba paring kilig sa tuwing nagkaka-moment kami. (o baka feelingera lang ako!) Mahal ko ang TVJ pero may special spot sa puso ko si Sir Joey. Nung nasa EB ako, nahihiya akong lumapit d’yan. (actually afraid!) Isang beses s’ya pumansin sa’kin at pinalo pa ako ng dyaryong hawak n’ya. Makalipas ng ilang buwan, naka-tandem ko s’ya sa Wow Meganon at Wow Mali nang pitong taon. (I only have good words for this Henyo!)

Hindi natin alam kung saan hahantong ang labanan ng mga noontime shows nga-yon. (abangan ang susunod na kabanata!) Pero isa ang sigurado, hindi kinakalimutan ng tao ang TVJ.  Happy Anniversary Dabarkads! (willing pa rin ako magpapalo ng dyaryo! Lucky charm ko ‘yan!)

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon.

FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

vuukle comment

DABARKADS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with