^

PSN Showbiz

Pera at relasyon ng magkaibigan, inayos ng ‘CIA with BA’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pera at relasyon ng magkaibigan, inayos ng ‘CIA with BA’
Senador Alan Peter at Pia Cayetano at TV host Boy Abunda.

Dalawang magkaibigan na nagkasira dahil sa pera ang pinag-ayos ng magkapatid na Senador Alan Peter at Pia Cayetano at award-winning TV host Boy Abunda.

 Sa episode ng CIA with BA nitong Linggo, Hul­yo 30, isa sa mga reklamong hinarap ng programa ay mula kay Romela Dolso, dahil sa serbisyo ng kanyang hairstylist na kaibigan na si Edison “Sonson” Pacete sa kanila ng anak niyang si Nicole.

Isyu ng professionalism ang tinalakay dahil ‘di umano, sinabi ni Sonson kay Nicole na ayos lang mag-swimming kahit katatapos lamang nito magpa-Brazilian hair botox.

Subalit pinabulaanan naman ito ni Sonson. Bilang resulta, nasira ang buhok ni Nicole. Sa kabilang banda, nagrereklamo rin si Sonson dahil hindi siya binabayaran ni Romela. Nakapagpalala pa ng sitwasyon ay ang mga chismis na naririnig nila mula sa kanilang mga kapitbahay.

 “As a lawyer, pwede kong sabihin na ‘consis­tent ka, inconsistent ka,’ [pero] para sa’kin, anong nangyari na parang naging deep ‘yung pain sa inyong dalawa? Although normal ‘yon ‘pag close kayo. ‘Pag ‘yung makaaway na magkaaway talaga, mas madaling magkabati, pero ‘pag mag-best friend, mas malalim talaga,” komento ni Senador Alan.

 “Kasi ‘yung pera, ‘yung amount na pinag-uusapan niyo, even through the show pwede tayong magtulungan ‘di ba? Pero ‘yung value ng relationship niyong dalawa, nanghihinayang lang ako, parang sayang naman kung itatapon natin ‘yung friendship niyo because hindi kayo nagkaunawaan,” dagdag pa niya.

 Sa huli, pinili ng dalawa na patawarin ang isa’t-isa.

 “Mare, sorry kung ganon. Alam ko maaayos naman natin ito ‘di ba? Buti nga dahil sa kanila (CIA with BA), at least matutuldukan kung anuman ang gulo o hindi pagkakaunawaan nating dalawa,” sabi ni Sonson kay Romela.

 “Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob o galit sa ‘yo. Nagtampo lang ako kasi mas pinaniwalaan mo ‘yung mga kapitbahay mo kaysa sa’kin,” sagot ni Romela.

 Nangako naman ang programa na sagutin lahat ng sinisingil ni Sonson kay Romela, pati na rin ang ilang buwang renta para maipagpatuloy ni Sonson ang kanyang negosyo at maging ang kanyang pagpapagamot.

Mapapanood ang CIA with BA tuwing Linggo, 11:30 ng gabi.

ALAN PETER

BOY ABUNDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with