Ian, ramdam ang pagbabago ng entertainment industry
Kahit abala sa pagiging aktor ay nagagawa pa rin ni Ian Veneracion ang pagku-concert sa iba’t ibang lugar.
Sa August 12 ay magaganap ang Ian Veneracion Live! sa Winford Resort and Resort Casino Manila.
Bukod dito ay nakatakda ring lumipad nina Ian at Ogie Alcasid patungong Amerika para sa series of shows ng kanilang ‘Kilabotitos.’
Wala umanong problema sa aktor kung saang mga programa o istasyon sila mag-promote ni Ogie ng kanilang concert. “Hindi personalan ‘yon. It’s just that you’re rooting for one team. The other person is rooting for another team. We can still be friends. And at the end of the day, umiikot lang naman, nagpapalit lang naman. Minsan magkakasama sila sa show. Minsan magkakalaban sila, parang basketball lang. So to support all of them lang is the most important thing especially now,” makahulugang pahayag ni Ian.
Para sa aktor ay marami nang naging pagbabago sa entertainment industry dahil sa pagkakaroon ng pandemya sa mga nakalipas na taon. “The landscape of our industry is changing so fast because of streaming, because of the pandemic that happened. So maraming nagbabago. It’s so important now to support each other because our industry is at risk. Our advantage kasi as Filipinos, we speak English. Parang madali sa atin ang English. So nauso dito ang mga call centers. Laking advantage sa atin over other Asian countries,” giit niya.
Ayon kay Ian ay kailangan ding makipagsabayan pagdating sa paggawa ng mga pelikulang Pilipino para mas maraming makapanood sa iba’t ibang bahagi ng mundo. “We’re seeing a slight disadvantage in terms of the film industry. Kasi in other countries, they speak their native toungue. Kailangan nilang gumawa nang gumawa ng movies na local. Tayo, since lahat ng Filipino nakakaintindi ng English, hindi gano’n ka-necessary para sa iba ‘yung Filipino movies. Kasi they enjoy Hollywood movies and stuff. Pero siyempre ayaw nating mawala ‘yon. It’s part of our culture. And we have our own stories to tell. We have so many stories to tell. We have very talented people in the industry,” paliwanag ng aktor.
Ria, unti-unting nakakakalas sa anino ng nanay
Isang malaking karangalan para kay Ria Atayde na makapagbida isang serye. Kasama ng aktres sina Tony Labrusca, Jane Oineza at JC de Vera bilang mga pangunahing bida ng Nag-aapoy na Damdamin.
Mula nang pasukin ni Ria ang show business ay palagi nang nakadikit sa pangalan ng inang si Sylvia Sanchez.
Ngayon ay gusto raw patunayan ni Ria ang sariling kakayahan upang mas makilala ng mga manonood. “I feel like more than trying to separate myself from my mom. Parang natural course na lang ‘yon eh. Kasi no’ng pumasok naman ako sa industriya, alam ko na ‘yon at the back of my head na kahit anong mangyari I’ll be attached to my mom and that does work to advantage sometimes, but being an individual, gusto mo din ang tingin sa iyo individual. I’m grateful that at this point, medyo nahihiwalay na. Pero hindi siya disadvantage sa akin masyado eh. If anything, I’m grateful I’m my mom’s daughter. Kasi natutulungan naman niya ako in more ways than one,” makahulugang pahayag ni Ria.
Ginulat ng dalaga ang mga tagahanga nang tanggapin ang pagiging 2023 calendar girl para sa isang kilalang alak.
Kahit marami ang natuwa sa ginawa ni Ria ay mayroon din namang ilang online bashers na pumuna sa katawan ng aktres. “I do have medical conditions, underlying conditions that make it harder for me to lose weight. So even if I do work out as much as I want to, or even if I change my diet, it’s a little bit harder for me talaga. I have no gall bladder. I have hyperthyroidism, I have PCOS, so parang nagpatung-patong lahat. So it’s not like it’s a choice to stay on the heavier side but it is something that I work on for myself, not to please anybody. Wala na ako do’n sa point na kailangan ko mag-adjust para tanggapin nila kasi ako tanggap ko na ‘yung sarili ko,” paliwanag ng aktres. — Reports from JCC
- Latest