^

PSN Showbiz

Negosyo goals ng AllTV, may bagong host

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Negosyo goals ng AllTV, may bagong host
Produced ito ng Maker’s Mind Media Production, na ang main host nito sa Season 1 ay si Gerry “Mr. Freeze” Santos.

Hindi na lang basta segment host ang negos­yanteng si Anna Magkawas dahil level-up na siya sa pagiging main host ng season 2 ng programang Negosyo Goals sa AllTV na mag-uumpisa ngayong araw.

Produced ito ng Maker’s Mind Media Production, na ang main host nito sa Season 1 ay si Gerry “Mr. Freeze” Santos.

Sa ginanap na mediacon recently, ipinaliwanag ng producer na si Ivy Ataya na walang anumang bad blood sa pagitan ng Maker’s Mind at ni Mr. Freeze.

Kailangan lang daw nilang mag-iba ng target market kaya pinasok nila si Ms. Anna.

Pag-amin naman ng founder/owner ng Luxe Skin/Slim, noong una ay medyo nahirapan lang siya sa pagma-manage ng oras niya para sa show, pamilya at negosyo. Pero eventually, sa tulong ng proper time management, nakapag-tape na sila ng ilang episodes nito.

Para sa Maker’s Mind, perfect choice si Anna sa Negosyo Goals dahil sa lawak ng experience nito bilang content creator, socmed personality, brand ambassador at CEO ng sariling health and beauty wellness company.

May talento rin si Anna na maka-connect sa audience at mag-inspire ng iba pang Pinoy entrepreneurs para magkwento ng kani-kanilang success stories, challenges at lessons learned pagdating sa pagnenegosyo.

Kitang-kita naman kung paano napagwagian ni Anna ang mga pagsubok sa sariling negosyo.

Mula sa pagiging humble seller ng mga pre-loved luxury items, big time na ang Luxe Skin ngayon na halos ‘di na mabilang ang mga celebrity endorser. Kabilang sa listahan nito ang mga sikat na personalidad tulad nina Viy Cortez, Zeinab Harake, Aubrey Miles, Sarah Lahbati at marami pang iba.

Anyway, aminado naman si Ms. Ivy na may struggle ang airing nila sa AllTV pero napaka-supportive raw nito sa kanila kaya thankful din sila na doon ipinalalabas ang kanilang programang Negosyo Goals.

vuukle comment

ALLTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with