Atasha nina Aga at Charlene nagtapos sa England na may business honors!
Proud na proud si Charlene Gonzalez sa anak na si Atasha.
Ibinahagi ng misis ni Aga Muhlach sa social media ang kanyang pagbati sa anak na kaka-graduate lang sa college na with honors pa sa Nottingham Trent University sa England.
Ipinakita ng dating beauty queen ang video ni Atasha na nagbibigay ng gratitude speech.
Caption ni Charlene, “Congratulations @atashamuhlach_ for graduating with business honors at Nottingham Trent University, Business school 2023 & for being chosen to give the message of thanks on behalf of your graduating class... So so so proud of you!!”
Ang bongga naman pala ng anak nina Aga at Charlene na bukod sa maganda na ay matalino pa.
Kailan lang ay pormal na nitong pinasok ang showbiz at pumirma na nga ito sa Viva Artists Agency. Tinupad nito ang pangako sa magulang na tapusin muna ang pag-aaral bago sumabak sa showbiz. Suportado naman daw siya ng kanyang daddy at binibigyan pa raw siya nito ng advice.
At hilig pala nito ang pagkanta na sisimulan o sinimulan na ang recording ng kanyang single. Bukod sa matalino ay talented pa ito na siguradong nagmana sa kanyang mga magulang.
Kaya naman kinasasabikan na rin ng mga tagahanga ang gagawin nitong mga proyekto. Bongga.
- Latest