^

PSN Showbiz

The Cheating Game,’ pinuri ng malalaking pangalan sa industriya

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
The Cheating Game,’ pinuri ng malalaking pangalan sa industriya
Julie Anne at Rayver
STAR/ File

Humakot ng positive reviews ang first ever movie nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na The Cheating Game na nagsimula nang mapanood sa mga sinehan noong July 26.

Mismong ang tinitingalang national artist na si Ricky Lee, nagbahagi ng kanyang paghanga sa pelikula ng GMA Public Affairs at GMA Pictures.

Hindi raw ito ang tipikal na “rom-com” dahil maraming mga hindi inaasahang twist na talaga namang nagpaganda sa pelikula.

Komento naman ni Direk Irene Villamor, ‘pak na pak na pak’ ang The Cheating Game dahil hindi umano masusukat ang pelikula sa scale ng Barbie o Oppenheimer kundi sa karanasang Pinoy na Pinoy.

Pinuri rin ng iba pang dumalo ang mahusay na screen presence ng mga artista, pati na rin ang magandang kuwento at execution ng movie.

Hindi naman nagpatinag sa maulang Lunes ang mga supporter ng cast ng pelikula sa Red Carpet at Premiere Night sa The Block SM North EDSA.

Pinangunahan ng JulieVer fans ang mainit na pagsuporta sa kanilang idolo na bida ng pelikula.

Syempre pa, full-support ang kapwa nila Kapuso artists na sina Black Rider star Ruru Madrid; Love is: Luv at First Read leads Mavy Legaspi at Kyline Alcantara;  Voltes V: Legacy star Neil Ryan Sese; at ang mag-asawang sina Rodjun Cruz at Dianne Medina.

Pwede pang humabol ngayong weekend sa panonood ng The Cheating Game sa paborito ninyong sinehan nationwide.

JULIE ANNE

RAYVER CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with