^

PSN Showbiz

Mga artistang gustong mag-migrate sa amerika, may pag-asa na

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga artistang gustong mag-migrate sa amerika, may pag-asa na
Atty. Marlene Gonzalez

May chance na ang ibang artista na nagpa-planong mag-migrate sa Amerika.

May narinig akong isang actress na hindi na umaasang sisikat pa kaya gusto na raw nitong maglagi na lang sa Amerika ayon sa isang source.

Kaya ang kailangan niya, si Atty. Marlene Gonzalez, isang Fil-Am at nakabase sa US bilang immigration lawyer na handang tulungan ang mga kababayan nating maabot ang kanilang American dream.

Si Atty. Marlene ay kasalukuyang may office sa Salt Lake City Utah at nagbukas din siya ng opisina sa Phoenix, Arizona kamakailan - US Journey Immigration Services.

Binubuo ito ni Attorney Marlene kasama ang kanyang paralegals at legal assistants na pawang mga immigrant galing Mexico, Nicaragua, Pilipinas at Venezuela.

At sosyal, dahil nakakausap daw nila ang kanilang mga kliyente gamit ang mga wikang Portuguese, Spanish, at Tagalog bukod sa English.

Ayon kay Atty. Marlene ang kanyang opisina ay nagbibigay ng mga sumusunod na serbisyo: Green Card na nakabatay sa pamilya,  Green Card na nakabatay sa kasal, Green Card na nakabatay sa Trabaho (EB-3 para sa -Mga Nurse  at Iba Pang Manggagawa - Sanay at Hindi Sanay) - -Naturalisasyon,  Mga Visa sa Mamumuhunan (E-2, EB-5), -Affirmative Asylum, U Visa para sa mga Biktima ng Marahas o Malubhang Krimen, -VAWA Self-Petitions para sa mga Asawa, Mga Anak at Mga Magulang ng Mapang-abusong Mamamayan ng US o Mga Batas na Permanenteng Residente - Mga Visa ng Mag-aaral, Pagbabago o Extension ng Katayuan, at TN Visa para sa mga Canadian at Mexican.

At tinulungan na pala ni Attorney Marlene ang daan-daang imigrante na matupad ang kanilang pangarap sa Amerika sa nakalipas na 26 na taon bilang Immigration lawyer.

Kaya siya na talaga ang kailangan ng actress na diumano’y gusto nang umalis ng bansa dahil pakiramdam daw nito talaga ay wala naman masyadong ganap sa kanyang career.

vuukle comment

ARTIST

MIGRATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with