Kiray at Kuya Kim, ‘nabiktima’ ng hacking
Habang nalalapit ang deadline sa Hulyo 25, naglunsad ang Globe ng isang creative campaign na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga consumer na sumunod sa SIM Registration Act upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga panganib na nakatago online.
Sa kampanyang Number Mo, Identity Mo, napatunayan nina Kuya Kim Atienza at Kiray Celis ang pagnanakaw sa kanilang indentity sa social media matapos ang nakakatawang ‘hacking’ sa kanilang account ng mga mahuhusay na stand-up comedians.
Ang kaligtasan sa online ay isang napakahalagang isyu.
“Online safety is a pressing issue in today’s digital age. Through this unique initiative, we hope to drive home the point that our SIMs are a crucial part of our digital identity and must be protected. We also want to remind our prepaid customers that they need to register their SIMs by the July 25 deadline. We urge all Globe customers to register their SIMs now,” sabi ni Yoly Crisanto, Corporate Communications Officer at Corporate Globe.
Kaya para maiwasang maging biktima ng panloloko, paulit-ulit ang Globe sa panawagan nito sa mga customer na irehistro ang kanilang mga SIM. Maaaring magparehistro ang mga customer ng Globe Prepaid, TM at Globe At Home Prepaid WiFi sa pamamagitan ng GlobeOne app at SIM registration microsite ng Globe (https://new.globe.com.ph/simreg) 24/7.
Anyway, nagsimula ang ‘online promo’ nina Kuya Kim at Kiray sa mga kakaibang post ng teaser sa lahat ng aktibong social media account nila, na nagtapos sa isang session ng TikTok LIVE, kung saan ang mga impersonator ay ‘nagbebenta’ ng mga nakakaaliw na halatang scam sa mga manonood.
Kiray’s impostor took her followers on a journey of transformation, promising a high-end, luxe, and more beautiful version of the beloved comedienne, ending in a live selling event and a dramatic “face reveal.”
Simultaneously, Kuya Kim’s impersonator alluded to recent developments about a television show, promising juicy behind-the-scenes secrets, lifestyle tips, and a surprise guest, all to spark interest and intrigue.
Pero ang tunay na layunin sa likod ng mga nakakaaliw na gawaing ito ay nalantad dalawang araw pagkatapos ng livestream, habang nag-upload sina Kuya Kim at Kiray ng isang video na nagsasabing ‘na-hack’ ang kanilang mga account.
Binibigyang-diin ng hindi inaasahang twist na ito ang kanilang mahalagang mensahe: totoo ang online na pagnanakaw ng pagkakakilanlan, at dapat gumawa ng mga hakbang ang lahat upang protektahan ang kanilang sarili, kabilang ang pagpaparehistro ng kanilang mga SIM.
Mula noong Disyembre 2022, ang Globe ay nagsagawa ng iba’t ibang mga SIM registration drive.
Ang kampanyang Number Mo, Identity Mo ay nagpapaalala sa lahat na ang labanan ang mga online scam ay hindi isang solong laban kundi isang sama-samang pagsisikap.
- Latest