^

PSN Showbiz

Lyca, gagawin ang lahat para sa pangarap

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Lyca, gagawin ang lahat para sa pangarap
Lyca
STAR/ File

Napapanood na ngayon sa mga sinehan ang pelikulang Mary Cherry Chua na pinagbibidahan nina Kokoy de Santos, Ashley Diaz at Krissha Viaje. Kabilang din sa naturang horror film mula sa Viva si Lyca Gairanod.

Malaking karangalan para sa singer na muling nakagawa ng pelikula.

Matatandaang unang sumikat si Lyca bilang The Voice Kids grand champion noong 2014.

Unang nasubukang gumawa ng pelikula ng singer noong 2017 sa Tatlong Bibe. “Gusto kong malaman ‘yung kakayahan ko playing a character. Dito sa horror movie, nag-enjoy ako kahit matatakutin ako at magugulatin ako. Nag-try lang ako na gumawa ng horror at nag-fit naman sa akin, kinaya ko naman. Talagang dapat subukan mo ang isang bagay para malaman mo kung kaya mo,” pagbabahagi ni Lyca.

Tatlong taon nang nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency ang singer-actress. Umaasa si Lyca na mas maraming proyekto pa ang magagawa sa mga susunod na taon. “Every opportunity po exciting talaga for me. Sana makagawa ulit ako ng movie at magkaroon pa ng ibang projects. Kailangang may mapatunayan pa rin ako ngayong nandito na ako sa Viva. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para mas maging maganda ang journey ko. Kailangan gawin ko ang makakaya ko para matupad ang mga pangarap ko,” giit niya.

Magbubuklat ng libro sa concert

Mamayang gabi na gaganapin ang Beloved concert ni Belle Mariano. Masayang-masaya ang dalaga dahil sold out ang tickets na hindi raw niya inasahang mangyayari. “Siyempre nakakatuwa, like never ko siyang in-expect actually. Like ngayon kinakabahan ako at the same time excited ako. My gosh, sold out. Parang ito ‘yung biggest celebration, biggest gathering na magaganap. I’m so scared to do the concert honestly. Kasi parang my gosh, it’s going to be so emotional for me siyempre lahat nandiyan ang emosyon. Matatakot ako but at the same time sobrang tuwa ko. Sobrang salamat sa kanila. I am so grateful. Sobrang hindi ko inakala like the five year old Belle is living now and I won’t be here without them,” nakangiting pahayag ni Belle.

Puspusan ang mga ginawang rehearsal ng aktres para sa lahat ng production numbers na kanyang ipamamalas sa mga manonood. Hindi man magpe-perform ay darating umano si Donny Pangilinan upang suportahan si Belle. “He’s gonna be a guest. He won’t perform pero he’s going to be there to support of course. All out po ako sa rehearsal, challenge ‘yung pagsasayaw. Alam n’yo naman medyo kaliwa ‘yung paa ko,” natatawang paglalahad ng dalaga.

Para kay Belle ay talagang kakaibang klase ng concert ang mararanasan ng lahat nang manonood sa New Frontier Theater mamayang gabi. “Ayaw kong nandoon lang ‘yung audience to listen to the music. I want them to feel the music na parang storytelling siya. Parang nagbubuklat sila ng libro, ganoon po,” pagtatapos ng aktres.

(Reports from JCC)

LYCA GAIRANOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with