^

PSN Showbiz

Lyka Estrella, inawit ang Nag-aapoy...na OST

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Lyka Estrella, inawit ang Nag-aapoy...na OST
Lyka Estrella

Dalawang buwan matapos siyang kilalanin bilang grand champion ng Tawag ng Tanghalan season 6, inilunsad na ni Lyka Estrella ang una niyang kanta na Hawak Mo, ang official theme song ng bagong teleseryeng pang-hapon na Nag-aapoy na Damdamin.

“Malaking break ito sa akin. I’m expecting na hindi ganito yung first project ko pero ito ‘yung binigay ni Lord sa akin and I’m so blessed and grateful,” ani Lyka.

Ang Hawak Mo ang itinuturing niyang kanta na pinakanaglalarawan ng naging journey niya sa buhay. “Storyline po ito ng buhay ko,” pagbabahagi niya sa kanyang naging panayam sa Kapamilya Chat.

Inawit naman ito ni Lyka nang live sa kauna-unahang pagkakataon sa media launch ng dalawang pasabog na teleserye ng ABS-CBN Entertainment at TV5 na Pira-Pirasong Paraiso at Nag-aapoy Na Damdamin noong Hulyo 13.

Sasamahan niya rin ang mga bida ng dalawang teleserye para awitin ang Hawak Mo sa Sublian Festival Kapamilya Karavan 2023 na magaganap sa SM City Batangas sa Linggo (Hulyo 23), 5 p.m.

Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang sumulat at nagprodyus ng kanta na inareglo ni Tommy Katigbak at inilunsad sa ilalim ng Star Music.

Iikot sa matitinding kasinungalingan at gantihan ang Nag-aapoy Na

Damdamin na pangungunahan nina JC de Vera, Ria Atayde, Tony Labrusca, at Jane Oineza.

Kabilang din sa powerhouse cast sina Maila Gumila, Joko Diaz, Kim Rodriguez, Aya Fernandez, at Carla Martinez. May bigating partisipasyon naman dito sina Jeffrey Santos, Lovely Rivero, at Richard Quan.

Mapapanood na ang Nag-aapoy na Damdamin mula Lunes hanggang Biyernes simula Hulyo 25 (Martes), 3:50pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5.

vuukle comment

LYKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with