^

PSN Showbiz

Alexa, laging binobola si KD!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Alexa, laging binobola si KD!
Alexa Ilacad at KD Estrada

Mapapanood na ang tambalang KDlex nina Alexa Ilacad at KD Estrada sa Pira-Pirasong Paraiso simula ngayong July 25 sa TV5. Ayon sa aktres ay kailangang pakaabangan ng kanilang mga tagahanga ang bawat tagpo sa bagong serye ng Kapatid network. “Kasi the story is a bit heavy so kami ‘yung konting pakilig here and there, light banter here and there. I would say na para kaming aso’t pusa but we have this rapport or connection with each other sa characters namin. Like ako, binobola-bola ko siya palagi kasi may kailangan ako sa kanya, ganyan. So nilalaro ko kasi alam kong type niya ako. So it would be hints of kilig here and there but of course our story focuses on ‘yung magkakapatid na nagkahiwa-hiwalay,” pagdedetalye ni Alexa.

Masaya ang aktres na makasama sina Charlie Dizon, Elisse Joson at Loisa Andalio bilang mga pangunahing bida sa panghapong serye. “I believe that we’re all perfectly cast. When this was pitched to me at nalaman ko ‘yung mga makakasama ko, I didn’t have to think twice. I thought this was perfect and kagaya ng title na Pira-Pirasong Paraiso, I think we all complete each other in a sense. Kaya ‘pag nagkakasama kami sa isang eksena, power, maingay,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Malaki ang pasasalamat ni Alexa dahil mapabilang sa naturang proyekto na na­ging kolaborasyon ng ABS-CBN at TV5. “Para sa akin the more the merrier, right? Great minds think alike. The more great minds working together, that means more quality entertainment para sa mga Filipinos. Kaya I’m very grateful and I feel blessed to be part of this,” pagtatapos ng aktres.

Ronnie, si Loisa ang nakasama nang humiwalay sa pamilya

Magpipitong taon nang magkasintahan sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Para sa aktor ay talagang malaking bahagi na ng kanyang buhay si Loisa mula nang makarelasyon ang dalaga. “Ang pinaka-number one na bumubuo sa akin ngayon si Loisa. Kasi nahiwalay ako sa family ko simula no’ng nag-showbiz ako. Siya ‘yung nakasama ko halos sa trabaho. Siya ‘yung nag-guide sa akin ‘pag may problema ako, kapag na-stress ako, dumating sa punto na na-depress ako. Nandiyan siya para sa akin. Tinulungan niya ako do’n,” pagbabahagi ni Ronnie.

Maging sa trabaho ay todo umano ang suportang ibinibigay ni Loisa sa binata. “Siyempre sa trabaho din pagdating sa acting, inaalalayan niya ako kung may mali man sa gagawin ko. So tinutulungan niya ako. Nagtutulungan kami sa madaling salita,” giit ng aktor.

Muling nagkatambal sina Ronnie at Loisa sa Pira-Pirasong Paraiso na mapapanood na sa TV5. Ayon sa aktor ay talagang ibang-iba ang karakter na matutunghayan sa kanya ngayon ng mga tagahanga. “Sa Love in 40 Days kasi rakista ‘yung role ko kaya medyo nando’n pa sa nag-aaral, estudyante. Dito sa Pira-Pirasong Paraiso, pulis na ako dito at talagang ang layo sa first na ginawa ko. Nagawa ko naman ‘yung trabaho ko para sa role at siyempre kasama na din do’n ‘yung binasa ko ‘yung buong script para hindi ako mahirapan,” paglalahad ng binata. — Reports from JCC

vuukle comment

ALEXA ILACAD

KD ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with