^

PSN Showbiz

Gian Sotto, kontra sa gagawing selebrasyon ng Eat Bulaga sa 44th anniversary!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Gian Sotto, kontra sa gagawing selebrasyon ng Eat Bulaga sa 44th anniversary!
Gian Sotto

Nagpasalamat si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto sa patuloy na sumusuporta sa E.A.T. ng TVJ sa TV5.

Present si Vice Mayor Gian sa pagsisimula ng noontime show na ito sa TV 5, at natutuwa siya na nagi-enjoy ang Daddy niya, ang dating Sen. Tito Sotto at araw-araw itong pumapasok sa naturang noontime show. “Salamat sa Diyos po! Praise God!” bulalas nito.

Isa si Vice Mayor Gian sa mga nakatsikahan namin nung Linggo  sa opening ng South Korean restaurant na BBQ Chicken na matatagpuan sa Robinson’s Magnolia, Quezon City.

Sabi ng Vice Mayor ng QC, kinukumusta raw nila ang daddy niya at nagpapasalamat siya na nagi-enjoy ito sa E.A.T.

“Lahat po kami na mga Legit Dabarkds, sobrang nagpapasalamat po sa suporta ng taumbayan, ng buong Pilipinas, sa buong mundo rin dahil po honestly yung Eat Bulaga is… ‘Yung original po, E.A.T., yan po ang bumuhay sa family namin.

“E nung ginawa nga yung pangalan na yan sa bahay po ni mommy ginawa ni Tito Joey (de Leon) yung pangalan, pati yung lyrics nung ginawa nina Tito Vic (Sotto), sila-sila lang po talaga ang naggawa.

“Kaya nagpapasalamat po tayo sa Diyos for this blessing na makapagpatuloy po sila na makapagpasaya,” dagdag niyang pahayag.

Isa rin daw siya sa nalungkot nung nagkaproblema ang TVJ hanggang sa nag-decide silang mag-resign na sa TAPE, Inc. “It was very disappointing,” pakli ni Vice Mayor Gian.

“We’re very sad. Pero immediately ang Panginoong Diyos po, napakabait. He gave us hope. Parang sinabi ni God, ‘Relax lang kayo, may plano ako. Focus on Me.’ And yun we focused on God, talagang winorship namin Siya, prinaise namin Siya. Sabi namin, ‘God is good all the time!’ And yun po, nasagot po ang ating mga prayers,” malumanay niyang pahayag.

Kaya agree rin daw siyang dapat na ang TVJ lang ang may karapatang mag-celebrate ng 44th anniversary ng Eat Bulaga. Hindi raw itong revamped na noontime show sa GMA 7. “Iyong pinagtatalunan? Again, for me, NO. Para sa akin, let God and let the people speak, ‘di ba po?” tugon nito.

Mahaba-haba pa at patuloy pang pag-uusapan itong isyu ng Eat Bulaga at ng taga-TAPE, Inc. lalo na’t umabot na ito sa demandahan.

Pero sana mag-move on na lang at mag-enjoy na lang sa kani-kanilang ginagawang show.

May naririnig pa kasi kaming hanash ng ibang staff na naiwan sa TAPE, Inc. na kesyo parang nabunutan na raw sila ng tinik dahil hindi na nila nakakatrabaho ang TVJ. Mas magaan na raw ngayon ang trabaho nila, at mas masaya raw sila ngayon sa pagtatrabaho sa TAPE, Inc.

Ayaw na lang mag-react ng mga TVJ, lalo na sina Tito, Vic, and Joey. Ewan ko lang kay Tito Sen kung sasagutin niya ito, pero nanatiling tahimik na lang sina Tito Joey at Bossing Vic.

Sitcom ni John Lloyd, tatapusin muna

Ilang araw na ring nag-uulan dahil sa bagyong Dodong. Kaya karamihan ay nasa bahay na lang at nanonood sa TV. Nakikita naman sa mga naglabasang ratings ng karamihang programa ng GMA 7 na mataas ito.

Nung nakaraang Biyernes, July 14 ay sumampa sa 9 percent ang rating ng Magandang Dilag ni Herlene Budol.

Ewan ko kung nakatulong doon ang pagka­panalo niya bilang Miss Philippines Tourism, dahil pinag-usapan naman siya nung araw na iyun.

Pero ang pinakabongga sa lahat ay si Dingdong Dantes na maganda lagi ang ratings ng mga programa niya. Consistent na double digit ang rating ng Royal Blood niya at nung nakaraang Biyernes ay naka-11.2 percent ito ayon sa AGB NUTAM.

At nung araw ding iyun ay inilipat na sa gabi, sa dating timeslot ng Bubble Gang ang kanyang Amazing Earth. Naka-6 percent ito na mas mataas sa dating Bubble Gang na madalas ay higit 5 percent lang.

Kaya, ang laki nang pasasalamat ni Dingdong sa lahat ng mga suporta sa mga programa niya.

Samantala, nung Sabado naman nagsimula ang Battle of the Judges at maganda naman ang naririnig naming feedback. Naka-11.8 percent naman ang rating ng pilot episode nito.

Ang Happy ToGetHer naman ay naglabas ng joint statement ang GMA 7 at Crown Artist Management na hanggang August 6 na lang ito mapapanood.

Iyun na ang pagtatapos ng season ng naturang sitcom ni John Lloyd Cruz. Naka-10 percent ito nung nakaraang Linggo, at ang sumunod na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay 11.5 percent.

Wala pang sinasabi kung ano ang ipapalit sa timeslot ng Happy ToGetHer.

 

GIAN SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with