Strike sa Hollywood, naikonek sa career ni Dolly De Leon
Grabe rin ang nagaganap strike ng mga aktor sa Hollywood, California, pagkatapos bumagsak ang mga negosasyon sa pagitan ng kanilang union at mga motion picture studio, na sinasabing isang dagok sa entertainment industry na maaaring makapipinsala sa mga TV and movie production sa buong Amerika.
Ayon sa online reports, humigit-kumulang 65,000 aktor na kinakatawan ng Screen Actors Guild - American Federation of Television and Radio Artists ang nagplanong layasan ang set.
Ito pala ang kauna-unahang pagtigil sa trabaho sa buong industriya ng grupo ng mga manggagawa mula noong 1980, kung saan sumali ang higit sa 11,000 screenwriters TV na kinakatawan ng Writers Guild of America na noon pang May nag-umpisang magwelga.
Ayon pa sa reports, ito ang unang pagkakataon na magkasabay na nagwelga ang dalawang pangunahing union o samahan ng manggagawa sa Hollywood mula noong 1960, noong si Ronald Reagan ang presidente ng guild ng mga aktor.
Kung ganito ang magiging sitwasyon sa Hollywood, paano na ang career ni Dolly de Leon na ngayon pa lang natatanggap bilang member ng Academy.
Paano pa siya gagawa ng Hollywood film?
Nauna na nga niyang kinumpirma ang pagkakasali ni sa Academy.
“My dream has always been clear to me - to work with artists I admire and respect. This was never part of the plan. So did I ever dream of this to happen? No. Did I ever even wish for it to happen? No. Because I never thought it could. But it’s happened and it’s a step closer to the goal and gives many others like me HOPE. For those of you who dare to dream, know that nothing is impossible. Now it’s your turn. Laban!!!,” post ng actress recently lang na attached ang natanggap niyang imbitasyon.
Inimbitahan ang Pinay actress na sumali sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences (Ampas), ang organisasyong namimigay ng Oscars.
Ayon sa mga ulat, kasama ang actress ng pelikulang Triangle of Sadness sa listahan ng halos 400 artists at executives sa official list ng Academy.
Sayang, kung sakali sa Hollywood pa naman sana siya unang makikilala.
Medyo kailangan pa ni Ms. Dolly na magpakilala sa local fans na hindi nakapanood ng pelikula niyang Triangle of Sadness.
Sandali lang siyang napanood sa Dirty Linen kaya hindi siya gaanong familiar sa mga ordinaryong tao.
What about Liza Soberano?
Common knowledge ang Hollywood dream ni Liza.
Pero ‘pag may ganitong kaganapan doon paano pa ang kanyang pangarap?
- Latest