Dahil sa kasupladahan, awra tinatanggihan na katrabaho!
Totoo kaya ang naririnig naming tinatanggihan si Awra Briguela na i-guest sa ilang shows?
Nangako kami sa source namin sa isang weekly show na hindi banggitin kung ano ‘yung programa.
May nagsa-suggest daw na i-guest siya uli sa show na ‘yun, pero ang dami raw kumontra.
Bukod sa isyung kinasangkutan niya lately, ayaw na ayaw raw sa kanya ng ilang artistang katrabaho niya dahil napakasuplada raw.
Meron nga isang aktor na nag-linya raw na “sarap tadyakan” daw si Awra dahil sa attitude nito.
Pero dahil sa isyung kinasangkutan niya, siguro magbabago na siya.
Samantala, sinubukan naming magpa-survey sa mga lalaking bida sa pelikulang The Vigil na sina Will Ashley, Bruce Roeland, Abed Green, Anjay Ansay, Prince Carlos, Kimson Tan at Carlos San Juan.
Tinanong namin kung sakali nakatuwaan lang at i-dare sila ni Awra na maghubad ng pants sa isang party o sa isang bar. Gagawin ba nila just for fun lang naman?
Ang cute ng ngiti ni Will na sinagot kami na saka na lang daw niya kami sagutin kapag may abs na siya. Ang bagets pa rin kasi ng itsura ni Will na ang minor ng dating.
Sabi naman ni Bruce, iginagalang daw niya ang mga LGBTQIA, pero hindi raw siya kakagat sa ganung dare.
“I’m not aware po sa isyung ‘yun… Ako po, I’m straight but I have a huge respect for the LGBT community. ‘Yun pong sinabi ninyo po na pinapahubad ‘yung isang tao, I don’t support that. Kasi, we all have to respect each other. Kailangan pong i-respect ‘yung comfort zone natin,” pakli ni Bruce na sa tingin daw niya ay nakaka-offend kung idi-dare siyang maghubad ng isang bading.
Isa rin sa cast na walang kiyeme at daring sa lahat na si Abed Green ay hindi rin type ang ganung pakuwela sa isang party o sa bar. “Siguro po, kung papayag ‘yung lalaki, OK lang ‘yun. Pero kung ganun na pinipilit niya, hindi naman po siguro dapat kung sapilitan,” sagot naman ni Abed.
Hindi raw siya mao-offend kung idi-dare siya ng ganun. Pero hindi raw siya susunod.
Nagsimula na ang shooting ng The Vigil na dinidirek ni Adolf Alix.
Hinahabol nila ito sa deadline ng Metro Manila Film Festival.
Horror movie rin ito na mukhang sangkatutak na horror films na isa-submit sa MMFF para sa natitirang apat na official entries.
Paolo at Jimmy, nahihiyang pag-usapan ang Eat Bulaga
Halatang nami-miss na ni Paolo Contis ang mga ginagawa niya sa Eat Bulaga, lalo na ang mga kasamahan niya.
Sinasabi niya pala sa ilang co-hosts niya na papanoorin sila sa Facebook, dahil ngayon siya napahiwalay sa mga kasamahan niya sa Eat Bulaga nang matagal-tagal.
Dapat ay inere nila nung Biyernes ang nai-tape ni Paolo na episode sa Eat Bulaga, pero kailangang ipapa-review pa pala ‘yun sa MTRCB, kaya nag-live sila.
Natawa si Betong Sumaya nang nagka-buckle buckle siya sa segment nilang Word of the Rings na hinu-host ni Paolo.
Binati niya si Paolo na nami-miss daw nila ito.
Matagal-tagal kasing mawawala si Paolo dahil kailangan na nilang mag-shoot sa Australia para sa pelikula niya sa Mavx Productions na kung saan kasama niya sina Patrick Garcia at Kaye Abad.
Wala pa rin daw kasi silang napagkasunduang magandang title para sa film project na ‘yun.
Dumating sila sa Melbourne, Australia nung Biyernes at nagbiyahe sila agad pa-Tasmania na kung saan doon kukunan ang mga mahahalagang eksena.
Maliit lang ang lugar na ‘yun pero napakaganda raw sabi ni Paolo.
Nasa Penguin Island sila sa Tasmania na kung saan ay sinalubong pa sila doon ng Mayor ng naturang lugar.
Kung napakainit sa ibang bansa, doon naman sa Tasmania ay sobrang lamig daw.
Kahapon ay ipinost ni Paolo sa kanyang social media account kasama si Jimmy Santos.
Gumaganap si Jimmy na tatay rito ni Kaye.
Sabi niya sa caption nito, “Na miss kita Tito Jimmy! (heart emoji) since Oki Doki Doc, Oh Ha Ako pa, Eat All You Can! I always love working with you!! Abangan...!!!”
Nag-text ako kay Paolo na subukan niyang imbitahin si Jimmy na mag-guest sa Eat Bulaga.
Tinanong ko kung pinag-usapan ba nila ang isyu ng Eat Bulaga.
“Hahaha! Walang usapang EB! (laugh emoji),” ang sagot niya sa akin.
Parang nahihiya siyang pag-usapan nila ni Jimmy ang tungkol sa Eat Bulaga na kung saan ilang taon ding naging Dabarkads doon ang komedyante.
Gandang-ganda si Paolo sa script nitong pelikulang ginagawa nila ng mga kasamahan niya sa Tabing Ilog.
May inimbita nga raw siyang isa sa taga-Tabing Ilog na mag-guest sa pelikulang ‘yun.
Ayaw pa niyang sabihin kung sino. Pero mahalaga ang role dahil kailangan pa siyang paliparin doon ng Tasmania para sa isang araw lang na shoot sa pelikulang ‘yun.
Sana matapos daw nila agad para maihabol nilang i-submit sa Metro Manila Film Festival.
- Latest