Kaori, ‘di kinahiya ang pinagdaanan bago naka-graduate sa high school!
Proud na ibinahagi ng Kapamilya star na si Kaori Oinuma na naka-graduate na siya ng high school.
Ipinost ng dating Pinoy Big Brother housemate ang mga pinagdaanan niya bago nakapagtapos. Aniya hindi naging madali at matagal daw niya talaga itong hinintay.
Caption niya, “That’s a wrap!!! after 10 years of finishing my high school!!! sa dami ng nangyari, repeat after repeat after repeat, finally! ^.^ this journey hasn’t been easy and I’ve eagerly awaited for this day, there were moments na people would ask me what year I am in, and i would answer grade 12, and they be like “ha? ilang taon kana?” , “grade 12 ka pa lang?” and idk, somehow, I feel embarrassed, but I chose not to judge them. so yahh, medyo madaming nangyari. long story.”
Kaya naman isang inspirasyon siya sa mga gaya niyang artista na hindi pa huli ang lahat para balikan at tapusin nila ang kanilang pag-aaral.
Hindi naman nakalimot si Kaori na pasalamatan ang mga taong sumuporta sa kanya lalo na ang mga guro niya at mga kaibigan sa showbiz.
Inulan siya ng pagbati mula sa kanyang mga kaibigan at tagahanga. Marami ang proud dahil hindi niya sinukuan ang pag-aaral.
Kahanga-hanga rin siya dahil hindi niya kinahiya na high school pa lang siya sa tuwing tatanungin siya ng iba.
Kaya nakakatuwa ang gaya niya na desididong tapusin ang pag-aaral kahit abala na sa showbiz.
Bongga. Sana lahat ng artista katulad nila ni Faith da Silva na talagang hindi kinalimutan ang pag-aaral.
- Latest