Jessica, walang official statement kay Vice?!
Mga kakaibang kuwento, hatid ng KMJS ngayong Linggo! Pero hindi si Vice Ganda.
For sure, mai-inspire ang viewers sa kuwento ng mag-asawang janitor na napagtapos ang dalawang anak sa Ateneo — at with flying colors pa na mapapanood this Sunday night sa 2023 New York Festivals Gold World Medal awardee na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS)!
Nakaiintriga ring malaman ang naging sikreto ng viral couple na naging puhunan daw ang tiwala at pagmamahal sa isa’t isa para maging matagumpay sa buhay.
Siguradong mapapaisip din ng malalim ang mga Kapuso sa kakaibang kuwento ng lalaki sa Davao Occidental na diumano ay himalang hindi tinablan ng siyam na bala, pati ang kuwento ng mga turista sa farm resort sa Laguna na nagmukha raw siyokoy nang picturan.
Marami ring matututunan ang viewers sa sinapit ng magkakaanak sa Zamboanga del Norte na nalason matapos kainin ang isa sa pinakamakamandag na alimango sa buong mundo.
Tampok din ang nakaaawang nangyari sa isang misis sa Valenzuela na lumobo ang dibdib. Ano kaya ang dahilan?
At malalaman na rin sa wakas kung kanino nga ba ang halos apat na milyong piso na pinagkaguluhan matapos liparin sa kalsada sa Cebu City.
Pero ang inaabangan ay kung mapapanood ba si Vice Ganda sa programa ng reyna sa Linggo?
Pawang hearsay lang ang mga naglalabasang diumano’y sagot ni Jessica at wala itong inilalabas na official statement sa pasaring ni Vice na gusto niyang mag-guest sa kanyang programa.
- Latest