^

PSN Showbiz

Nessa Valdellon, bagong Senior Vice President ng GMA Pictures

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Nessa Valdellon, bagong Senior Vice President ng GMA Pictures
Nessa
STAR/ File

Inanunsyo ng GMA Network ang pagtatalaga kay Ms. Nessa Valdellon bilang Senior Vice President for GMA Pictures simula noong Hulyo 1, 2023.

Si Valdellon,  concurrent First Vice President for Public Affairs pivoted a department of documentary and news magazine producers to become creatives and producers of top-rated soaps, romantic comedies, historical dramas, and drama anthologies.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Valdellon ang produksyon ng mga sumusunod na pelikula: ang edgy romance na The Cheating Game, ang fantasy drama na Firefly, ang horror movie na Penthouse 77, ang science fiction na romance na Version 2, pati na rin ang 4K documentary film The Lost Sabungeros.

Bago makipagsapalaran sa paggawa ng pelikula, naging production head siya para sa mahigit 30 programa ng GMA Public Affairs, kabilang ang multi-awarded news magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho, ang blockbuster series na Lolong, ang George Foster Peabody awardees na Reel Time at I-Witness at marami pang iba.

Noong 2018, nanalo siya para sa GMA Network ng YouTube innovation grant para sa digital newscast na Stand For Truth – ang pangunguna sa mobile journalism newscast ng Network.

Sinimulan ni Valdellon ang kanyang karera bilang producer para sa The Probe Team at nagsilbi bilang Probe Team Executive Producer ng mahabang panahon.

Nagsilbi rin siya bilang isang miyembro ng grand jury ng New York Festivals sa loob ng limang taon at tumatakbo. Nasa ikatlong taon na rin si Valdellon bilang hurado para sa Asian Academy Creative Awards.

vuukle comment

NESSA VALDELLON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with