Betong, inamoy ang sarili nang ikumpara sa ebak
Nagpapaka-wise ang komedyanteng si Betong Sumaya sa kanyang kinikita sa kasalukuyan.
Buong linggo na si Betong napapanood sa GMA 7 – Eat Bulaga Monday to Saturday at Bubble Gang every Sunday beginning July 9.
Ito nga ang sagot niya nang tanungin namin kung naha-handle pa ba niyang mabuti ang kanyang datung. “Naku kailangan maging wais tayo pagdating po d’yan kasi ‘yung gantong opportunity ay hindi naman ito basta-basta nandyan lang eh. So this is a rare opportunity na dapat mo talagang i-handle nang mabuti. So ‘yung ipon ‘yun talaga ang priority. Kailangan ‘wag munang gumastos, ipon muna.”
So kung magaling kang mag-handle ng pera, paano mo naman iha-handle ang mga basher? “Ay naku hindi naman po talaga sila mawawala po talaga. And I think lahat naman tayo may karapatang sabihin kung ano po ‘yung nararamdaman natin o ‘yung nasa loob natin. And I think lahat pwedeng magsalita pero sa akin po ngayon parang tini-take ko na lang po siya na challenge, inspiration, na pagbutihin ‘yung trabaho kasi hindi talaga mawawala.”
Nagbabasa ka ba ng bashing? “Siguro nung una po, nagbabasa-basa pero ngayon – hindi ako sumasagot pero minsan syempre merong kurot ‘yun eh. May kirot lalo na ‘pag kino-compare kami syempre parang...”
Ano pinaka-worst na nabasa mo? “Ano po ‘yung mukha daw po akong tae. ‘Mukha kang tae umalis ka diyan’ ganon sabi ko talaga ‘my God parang may point siya. Sabi ko sh*t, oh my God parang may tama siya dun. So naghugas po ako. Nagpabango po ako. Naglinis nga po ako. Inamoy ko ho, at least mukha lang hindi amoy,” masayang sagot nito.
Buti hindi ka pumatol kahit pikon na pikon ka na?
“Minsan parang gusto ko nang sagutin kaya lang parang iniisip ko na lang na si Lord na lang bahala sa inyo. Totoo po ‘yun parang si Lord na lang po bahala kasi sabi nga ni kuya Bitoy (Michael V) lalo na nung minessage ko siya na, “kuya Bitoy fan po ako at gusto ko lang po magpasintabi sa inyo na maging part po ako ng Eat Bulaga,’” kumpisal niya nung bago sumalang sa EB kung saan nga naging host din noon si Bitoy.
“Sobrang nakaka-inspire ‘yung sinabi ni kuya Bitoy na parang sobrang bibihira ‘yung gantong opportunity. Sabi niya ‘kailangan mong harapin na marami kang bashers pero kung sa sarili mo naman malinis ang konsensya mo at wala ka namang inaapakang tao ituloy mo lang ‘yung trabaho mo’ so nakakatuwa. Iniisip ko naman parang tama nga si kuya Bitoy.”
Kay Michael V. ka lang nagsabi? “Opo kasi personally po wala po akong working relationship po with TVJ. Sa JoWaPao minsan ko lang po naka-work si kuya Jose, si kuya Wally. Si Paolo naman po never ko pa naka-work. So kumbaga ‘yung relationships po namin hindi gaya ng relationship namin with kuya Bitoy na alam ko ‘yung number nila. Nakakatrabaho ko si kuya Bitoy kasi 11 years na po akong nasa Bubble Gang. So may mga guesting po ako minsan sa TVJ. Minsanan lang po ‘yun as in bilang na bilang tapos ang huli ko pang guesting sa Eat Bulaga sa Broadway pa, hindi po sa APT. Ang tagal na with Paolo pa, Pinoy Henyo. Ayun ‘yung huli kong guesting,” mahabang kuwento pa ni Bentong nang makusap namin pagkatapos ng press launching ng BBLGang last Friday.
Naka-adjust ka na ngayon sa Eat Bulaga?
“Still adjusting lalo na po kasi hindi ako morning person so kailangan talaga everyday matutulog ka ng maaga. Ayun ang pinaka-challenging po sa akin, matulog ng maaga at gumising ng maaga,” pag-amin pa niya na Saturday na lang ang pahinga.
- Latest