^

PSN Showbiz

Mutya, ultimate crush si Joshua

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Mutya, ultimate crush si Joshua
Mutya Orquia

Malaki na ang ipinagbago sa pananamit ni Mutya Orquia.

Matatandaang apat na taong gulang pa lamang nang magsimula ang child star sa show business. Ngayon ay labingpitong taong gulang na si Mutya. “Actually, madami ang nagugulat kapag nagka-crop top ako. Hindi din naman ako super hilig sa revealing clothes. Pinapakita ko lang din sa kanila na I’m a teenager na naggo-grow. Normal din na magpakita ng konting skin. Kasi as a girl and if that’s what makes you confident, go for it,” nakangiting bungad ni Mutya.

Excited na ang dalagita na makapagkolehiyo upang maranasang pumasok sa eskwelahan. Simula elementarya pa lamang ay naka-homeschool si Mutya. “Actually, before nasa Angelicum College ako. Nag-trasfer ako kasi nagkaroon ng efore na kailangan may araw silang ibibigay, since taping nga hindi ko maayos ang sched ko kaya lumipat ako. Pero home school pa rin ako. Ever since talaga hindi ako nagre-regular school. Sa college kasi gusto ko mag-aviation pero hindi ko pa sure kung anong kukunin kong course. Baka mag-culinary ako, para lang aside sa aviation, meron pa akong ibang course,” pagdedetalye ng aktres.

Huling napanood si Mutya sa Mars Ravelo’s Darna na pinagbidahan ni Jane de Leon. Si Joshua Garcia ang leading man ni Jane sa serye. Aminado si Mutya na nagkaroon siya ng malaking paghanga kay Joshua. “Siya talaga ‘yung ultimate crush ko. Ang bait kasi niya and very gentleman. Very professional siya maka-work. Nakaka-chika ko rin siya off camera, very nice nga siya. Nagkita nga kami no’ng Star Magic All-Star Games. Akala ko medyo nakalimutan na niya ako since nagpagupit din ako ng hair, pero hindi. Yumakap pa siya sa akin. Basta si Joshua, siya ‘yung crush ko talaga,” pagtatapat ng dalaga.

Kaila, mabilis naka-connect kay JM

Makakabilang si Kaila Estrada sa seryeng Linlang na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Paulo Avelino, JM de Guzman at Maricel Soriano.

Gagampanan ni Kaila ang karakter ni Sylvia na siyang asawa ng karakter naman ni JM sa naturang proyekto. “It’s such a mature role for me so I’m excited for everyone to see it. Linlang was quite challenging for me in a sense that it’s much more mature role. So I can’t wait for everyone to see it without saying too much. It’s really such a good story. I want everyone to see lahat ng pinaghirapan namin. Kasi talagang we all worked together and then we all sort of became a family. Matapang ‘yung show, so I’m excited,” pagbabahagi ni Kaila.

Ayon sa anak nina Janice de Belen at John Estrada ay talagang magaling na aktor si JM. Para kay Kaila ay masarap ding katrabaho ang binata. “JM is honestly so nice. He’s such a gentleman and he’s very, very down to earth. So it was so easy to connect with him. And we’re really good friends now and I’m so glad to be able to work with such a generous and very talented actor,” pahayag ng aktres. Reports from JCC

MUTYA ORQUIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with