Liza Diño, bongga ang natanggap na award!
Kakatuwa naman ang natanggap na award ni Liza Diño mula sa French Ministry of Culture kung saan tumanggap siya ng Ordre des Arts et des Lettres (Pambansang Order of Arts and Letters) na may ranggo na Chevalier (Knight), na itinuturing na pinakamataas na parangal na sibilyan na ibinigay ng French Republic para sa mga indibidwal na malaki ang naiambag sa pagpapasulong ng sining sa France at sa buong mundo.
“Ang inyong suporta sa panahon ng aking paglilingkod (sa FDCP) ay may kahulugan sa mundo para sa akin, at nais kong kunin ang pagkakataong ito upang pasalamatan kayong lahat para sa tiwala na ibinigay ninyo upang suportahan ang pananaw ng isang empowered na pandaigdigang industriya ng pelikula. We have made headway in the last six years, sana po magtuloy-tuloy,” sabi ni Liza sa isang press release.
“Ang parangal na ito ay isang patunay ng pagsusumikap na ginawa nating lahat upang suportahan ang industriyang ito na mahal na mahal natin. From the bottom of my heart, maraming salamat sa lahat ng pagmamahal at suporta sa akin at sa Philippine cinema.”
Bongga ‘yun ha.
Hindi madali ang ganung award kung tutuusin.
Sosyal, congrats Liza.
Derek, tanggap ang next chapter ng anak na panganay
Twenty years old na pala ang anak ni Derek Ramsay na panganay na nag-celebrate ng birthday kamakailan.
Nasa tamang panahon talaga ang lahat.
Aakalain mo na hindi na magkakasundo ang mag-ama pero ayan sila at ok na ok.
“To my eldest son, I want to welcome you to the next chapter of your life. It’s crazy how time flies, little man. Happy 20th birthday. Love you son,” post ni Derek.
Parang halos magkasunod sila nang birthday ng anak ni Ellen Adarna na anak na rin ang turing ni Derek, si Elias.
- Latest