Janice, tanggap na ng LGBTQIA+ community!
Gabi-gabing napapanood si Janice de Belen bilang si Leona sa Dirty Linen. Para sa aktres ay talagang naiiba sa lahat nang nagawa noon ang kanyang karakter sa serye. “Ito ‘yung pinaka-excited ako na role na gawin in a really long time. Siguro because the script is exciting, it’s really different. Hindi siya ‘yung lagi kong ginagawa na nanay na mabait. Ito talaga kakaiba, sobrang excited ako. So siguro ‘yung excitement ko eh nakikita sa ibinibigay kong work. Actually, no’ng tini-tape namin siya, kahit naman kami, lahat kami sa cast, we felt the same excitement. Saka lahat kami parang gusto naming mag-work. Kasi excited kami, ano nga ba ang magaganap, paano made-develop ‘yung mga character namin,” pahayag ni Janice.
Hindi raw inasahan ng magaling na aktres na magkakaroon sila ng ugnayan ni Andrea del Rosario sa serye na gumaganap naman bilang si Olga. “Hindi ko in-expect ‘yon kasi hindi agad sinabi sa akin. No’ng story conference ko lang din nalaman na, ‘Ah, talaga.’ No’ng narinig ko na magiging gano’n ‘yung role, wala na akong tinanong kung may kissing scene ba. Inisip ko na lang may possibility na baka mayroon. Pero it’s work, kung ‘yan ang kailangan,” kwento niya.
Maganda ang nakukuhang feedback ni Janice mula sa ilang miyembro ng LGBTQIA+ community dahil sa magaling niyang pagganap sa serye. Kinabahan umano ang aktres sa mga natatanggap na papuri mula sa netizens. “Medyo ninenerbiyos din ako. Kasi parang iniisip yata ng tao totoo. At saka ang daming bumabati sa akin na Happy Pride Month. Sabi ko, ninenerbiyos yata ako. Kasi iniisip nila totoo,” nakangiting paglalahad ng aktres.
Dingdong, gustong maipagmalaki ng mga anak
Malapit nang simulan ang shooting nina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa pelikulang Rewind.
Mula sa Star Cinema, APT Entertainment at Agosto Dos Pictures na pag-aari ni Dingdong ang bagong proyekto.
Ngayon pa lamang ay sobrang excited na ng aktor sa gagawing pelikula. “Siyempre bukod sa makakasama ko siya (Marian), makaka-collaborate ko ang mga mahuhusay na creators. Ang gusto rin namin ay maging proud kami sa mga anak namin. Ganitong klaseng pelikula at kwento ang gusto naming ibahagi sa mga manonood. And it is a family movie. Siyempre always a good experience kaya magkakaalaman na very, very soon,” pagbabahagi ni Dingdong.
Maraming pelikula na ang nagawa ng Kapuso actor sa Star Cinema. Si Mae Cruz-Alviar ang magiging direktor ng Rewind na nakatrabaho na rin ni Dingdong sa She’s The One noong 2013. “The experience working with Dong before, parang gusto mong maulit. That’s why I’m excited na it’s not just with him. But also with his wife Yan. It’s an event film. It’s an event project. Sinong hihindi sa project na ‘to. So ano siya, sobrang something to look forward to. It’s a family drama with a touch of magical realism. It’s all about second chances. How far would you go to get that second chance,” makahulugang pahayag naman ni Direk Mae. — Reports from JCC
- Latest