Director ng Titanic, ‘di nasabi ang takot sa nawalang Titan submersible
Sina Leonardo DiCaprio at Kate Winslet ang kasama sa mga naalala namin sa nawalang Titan submersible na sinasabing namatay na ang mga pasaherong bilyonaryo.
Pulos nga mayayaman nga ang limang tao ang sakay ng Titan submersible na nawalan ng contact sa support ship nito sa pagsisid sa Titanic wreckage site sa North Atlantic noong Linggo.
At nito ngang Huwebes, sinabi ng US Coast Guard at ng kumpanyang nagpapatakbo ng submersible, OceanGate Expeditions, na pinaniniwalaang patay na ang limang tao na sakay.
Sinabi naman ng direktor ng pelikulang Titanic na si James Cameron sa interview ng Reuters na sana ay nakapagbigay siya ng alarm tungkol sa submersible Titan.
Naging deep-sea explorer noon ang direktor - noong 1990s habang nagre-research at ginagawa ang kanyang blockbuster at Oscar-winning movie na Titanic na part owner din ng Triton Submarines, na gumagawa ng mga submersible para sa research and tourism.
Aniya pa sa lumabas na article sa interview ng Reuters, “I thought it was a horrible idea. I wish I’d spoken up, but I assumed somebody was smarter than me, you know, because I never experimented with that technology, but it just sounded bad on its face.”
Isang malaking hit ang pelikulang Titanic noong 1997 na pinagbidahan nga nina Leonardo and Kate.
- Latest