^

PSN Showbiz

Ipon ni Gigi De Lana, limas sa scammer

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ipon ni Gigi De Lana, limas sa scammer
Gigi

Nalimas pala sa scam ang pera ni Gigi de Lana na panggastos sana ng kanyang nanay na may breast cancer (stage 4).

Imagine, naaksidente na nga, nabiktima pa ng scammer.

Walang ibinigay na detalye si Gigi sa kanyang post kung anong nangyari pero nakuha raw ang laman ng kanyang account. Basta may tumawag lang daw. “Please be kind. Simula ng naaksidente kami from car accident. ang dami na nang scam sakin. ninakawan ako sa BDO kinuha lahat ng laman. Na pang medical bills sana yun ni mama. Kaso wala kayo awa. Sinabihan pa ako sa phone call ng “get well soon po kay maam gigi” tapos after nun ninakawan na ako ng tuloy tuloy hanggang sa maubos laman. grabe kayo. Di na kayo naawa. Please wag kayo mang scam or mag nakaw.

“Nga pala ito itsura ko nung after a few days maaksidente. Sa mga hindi alam na ganito kalala and hinusgahan ako na nag inarte ako. Please be kinder. Love you all still.  Please let us be kinder sa isat isa,” buong post ng singer.

Maalalang ‘di kinaya ng katawang lupa ni Gigi ang pagod last month habang kumakanta ng Noypi sa Himala sa Buhangin! Arts and Music Festival sa Ilocos Norte

Kitang-kita sa mga video na nagkalat na bigla na lang siyang lumupaypay habang sa stage at nakaupo. Nakatungo lang siya at hindi makakanta hanggang lapitan na siya ng mga kabanda.

On the way sa nasabing event ay naaksidente na ang sinasak­yan nila galing sa Sulong Aurora Event.

Tapos na-scam pa.

Wawa naman.

Pero ganun pa kalala ang defect o flaws ng ating banking system na pwedeng malimas ang pera mo sa bangko?

Dami namang nagpadala agad-agad ng virtual prayers kay Gigi.

vuukle comment

GIGI DE LANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with