^

PSN Showbiz

Benjamin Alves abala sa paghahanda sa kasal, masaya para kina Julie Anne at Rayver!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Benjamin Alves abala sa paghahanda sa kasal, masaya para kina Julie Anne at Rayver!
Benjamin and Chelsea
STAR/ File

Ayaw pang magbigay ng details ng Kapuso actor na si Benjamin Alves sa kasal nila ni Chelsea Robato.

Pero sigurado na ito next year.

At nang tanungin kung magkakaroon ba ng participation ang cousin niyang si Piolo Pascual, ayaw muna niyang magsalita dahil gusto niyang makausap ito nang personal.

Pero aniya, siguradong hindi ito ninong. Baka raw ang mommy nito ang maging ninang.

At dahil ikakasal na siya, natanong ang Kapuso actor kung ok na ba sila ng ex niyang si Julie Anne San Jose.

“I saw them at the Gala...and that’s as much interaction that we’ve had. Kasi nga this is like the first time that I’ve been in GMA since parang Family Feud and then more or less AOS, hindi naman ako nakakapunta. That’s the only interaction that we’ve had and I’m happy for them and I’ll leave it at that.”

At nang tanungin kung may possibility ba na ma-invite ito sa wedding? “I’ll leave it at that. Parang may nag-i-invite ba ng mga exes? And it’s Chelsea’s day so that’s...”

Bad breakup ba ‘yon, sundot na tanong ni Gorgy Rula?

“Whatever happened then, nandito na tayo, 2023 na. Move on, parang pareho naman lahat, all parties involved, so yeah. Again no more questions about that, please,” pahayag ng actor pagkatapos ng media conference ng Magandang Dilag kung saan siya leading man ng bidang si Herlene Budol.

Pero handa naman daw siyang makipagtrabaho sa ex na girlfriend ngayon ni Rayver Cruz. “Wala naman kaming tinatanggihan na work. That would be up to Sparkle.”

Going back to his wedding na gaganapin sa January, sa Pilipinas lang aniya ito. Plano sana nilang intimate lang ito pero nadagdagan nang nadagdagan ang mga guest nila.

Though lahat daw ang mga imbitado ay mahalagang bahagi sa buhay nila ni Chelsea.

Gusto na agad nilang magka-baby ni Chelsea na isang content creator dahil nag-iisang anak ito.

vuukle comment

CHELSEA ROBATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with