^

PSN Showbiz

Smokey, naging matatakutin nang maging tatay

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Smokey, naging matatakutin nang maging tatay
Kiko at Smokey
STAR/ File

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapagdiwang si Smokey Manaloto ng Father’s Day kahapon. Masayang-masaya ang aktor dahil sa kanyang naranasan. “Masayang-masaya talaga, akalain mo ‘yon at my age na 51 ngayon lang ako naka-experience ng Father’s Day. I’m very excited and I’m very thankful and I’m very honored na napabilang ako sa grupo na kung tawagin ay tatay,” nakangiting pahayag ni Smokey.

Talaga raw dumating na sa puntong natanggap na ng aktor na hindi na siya magkakaroon ng supling. Naisip na rin kasi ni Smokey noon na mahihirapan na dahil sa kanyang edad kung sakaling mabiyayaan pa ng anak. “Actually noong 40 na ako, ‘Magkaanak pa ba ako?’ Tapos noong age 50 na ako, gumive-up na ako. Sabi ko, ‘Ah, wala na, hopeless na ako magkaroon ng anak.’ Baka kung sakaling magkaanak ako, kung sakaling magbinata siya mahirapan na ako nang sobra. Pero awa ng Diyos, nagkaroon ako ng anak. Ngayon ang habol ko lang ay magpaka-healthy lalo para matagal ko pang makasama ‘yung mag-ina ko,” kwento niya.

Mag-iisang taong gulang na ang anak ni Smokey na si Kiko. Nagkaroon daw ng mga pagbabahago sa buhay ng aktor mula nang maging isang ganap na ama. “Pakiramdam ko ‘yung nagbago sa akin, nagkaroon ako ngayon ng takot. Mas naging maingat ako ngayon sa sarili ko and takot. Kasi iniisip mo kung lahat ba ng ginagawa mo ay tama. Iniisip mo kung lahat ba ng ginagawa mo makakabuti sa anak mo. Nagkaroon ako ng takot na masasamahan mo na ‘yung anak mo hanggang sa pagtanda niya. And at the same time ‘yung takot na ‘yon ang nagtutulak sa ‘yo para gawin mo nang ayos ang pagpapalaki sa anak mo. ‘Yung takot na ‘yon din ang nagtutulak sa ‘yo para mag-healthy living ka. ‘Yung takot din na ‘yon ang nagtutulak sa ‘yo para mag-ipon sa kinabukasan ng anak mo. Kung mayroon man nagbago sa akin, mas naging matatakutin ako ngayon,” paliwanag ng aktor.

Angeline, ready na magkaanak ulit

Kabi-kabilang proyekto ang ginagawa ngayon ni Angeline Quinto. Kahit abala sa pagiging ina sa anak na si Sylvio ay sinisikap ng singer na matugunan ang lahat ng kanyang trabaho. Sa ngayon ay hindi pa raw nakikita ni Angeline na tatalikuran na ang show business. “Nakikita ko na ang mga mangyayari sa buhay ko. Ayaw kong madaliin dahil ang dami ko din trabaho ngayon. Ayaw kong sayangin ang pagkakataon dahil ang tagal ko din itong hinintay ang mga dreams ko na nangyayari ngayon. I just want to enjoy everything that’s happening now,” bungad ni Angeline.

Matatandaang Setyembre noong nakaraang taon naganap ang engagement ng singer at kasintahang si Nonrev Daquina. Kahit pinaghahandaan pa lamang ang kanilang kasal ay nakahanda na rin umanong magkaroon ng pangalawang anak ang singer. “Pwede rin ‘yon. Totoo pala ‘yung kahit anong pagod mo sa trabaho mo, kapag nakita mo ang anak mo at ngumiti siya sa ‘yo, mawawala lahat ng pagod mo. Nasanay din ako na kung may problema, si Sylvio talaga ang nagbibigay ng lakas sa akin. Mainipin siya, I think nakuha niya sa akin ‘yon. Sa mall, when we take him out at huminto ang stroller, iiyak na siya agad,” kwento ng singer.

(Reports from JCC)

vuukle comment

SMOKEY MANALOTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with