^

PSN Showbiz

Juliana, nagpasalamat sa pagiging cheerleader ni Goma

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Juliana, nagpasalamat sa pagiging cheerleader ni Goma
Juliana at Goma
STAR/ File

Bongga, sana lahat ng ama ay cheerleader ng mga anak tulad ni Cong. Richard Gomez kay Juliana.

Nakakatuwa ang post ni Juliana kahapon, Father’s Day.

“Happy father’s day Dad! Thanks for believing in my dreams and being my cheerleader. Love you big time @richardgomezph.”

Kay Goma nagmana si Juliana sa husay sa fencing at talagang sinuportahan nito si Juliana na ngayon ay nakikipag-compete na rin sa abroad.

Sarap na ganun ang samahan nila kahit na sabihing iba na ang mga kabataan ngayon, masyado nang independent.

Bongga.

Gary, inaming ‘di naalagaan ang anak na si Kiko

Inamin ni Gary Estrada na naging mas appreciative siya sa kanyang pagiging tatay nang magkaroon siya ng tatlong anak na babae sa asawang si Bernadette Allyson na sina Icee, Gabbi and Garri.

“It’s like the best thing that happened in my life.

“Kasi, sila ‘yung una kong naalagaan talaga. I have a son before, but hindi ko naman talagang… naghihiraman lang kami, time-sharing ‘yun, e. This time around, when I got married and became a girl dad, I got to bring them to school,” pahayag ng aktor sa isang interview.

Ang tinutukoy niya ay ang anak niya sa da­ting aktres na si Cheska Diaz na si Kiko Estrada na isang aktor din.

Inamin naman niya na may mga panahong ginusto niyang magkaroon ng lalakeng anak. Pero ang ginagawa raw niya ay nagba-bonding sila nang sama-sama kahit babae pa ang mga ito gaya ng sports, mga gawain sa farm at iba pa. Bongga.

vuukle comment

GOMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with