Pelikulang first Monday screening, pinaiyak ang mga senior
Dumalo ang mahusay na actress na si Gina Alajar sa star-studded na red carpet gala premiere ng kauna-unahang NET25 Films feature film production na Monday First Screening na pinagtatambalan nila ni Ricky Davao.
Ito ay kahit namamaos ang mahusay na actress.
Na sulit naman dahil maraming na-touch sa pelikula.
Ang early access premiere na isinagawa sa EVM Convention Center ay dinaluhan ng maraming senior citizen, maging ng mga VIP guest gaya nina Film Development Council of the Philippines Chair Tirso Cruz III, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at mga talent ng Net25 kabilang sina Ara Mina, Pat-P Daza, Korina Sanchez, Ali Sotto, Rikki Matay, David Chua, at marami pang iba upang saksihan ang romantic-comedy ng mga ‘nasa edad na.’
Umiikot ang istorya ng Monday First Screening sa dalawang senior citizen na nagkakilala at nagkainlaban sa panonood ng libreng pelikula sa unang screening tuwing Lunes sa isang mall.
Saya, kilig at iyak ang ginawa ng mga nanonood sa pelikula.
“Halos pareho kami ni Gina. Noong nabasa namin iyong material, wow! Sa age namin, gagawa pa kami ng love story! So doon pa lang, kakilig-kilig na. Tapos, knowing that I will be working with Gina Alajar, who is a dear friend – I’m a fan of Gina. Walang bolahan ito, but when I heard na kaming dalawa, talagang ninerbyos ako at sobrang na-excite because ang sarap makatrabaho ng mga artistang katulad ni Ms. Gina Alajar,” pahayag ni Ricky Davao na that day ay ipinakilala sa ilang kaibigan ang non-showbiz girlfriend.
Bukod kina Gina at Ricky ay matutunghayan rin sa pelikula ang mga award-winning actor na sina Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Che Ramos, at David Shouder, kasama ang tambalan nina Allen Abrenica at Binibining Pilipinas 2023 2nd Runner-Up na si Reign Parani.
Confident naman ang direktor na si Benedict Mique (na kasama sa dinirek ay ang ML at Girlfriend na Pwede Na) sa kinalabasan ng pelikula.
Ito ang unang pagkakataon na sumabak sa film production ang Net 25 na consistent sa pagpo-produce ng wholesome content sa kanilang network.
“Misyon ng NET25 Films na maging generally wholesome, family-friendly production. Napakaraming materyales kahit sa telebisyon at pelikula na may mga touchy na subject. Napatunayan na namin na – kayang makabuo ng content na pinahahalagahan ang Filipino values,” banggit ni Mr. Caesar Vallejos, President ng Net25.
Dagdag niya : “Gusto naming maging iba sa industriya. I think with NET25 Films, one, magiging very unique tayo. Ang [wholesome content] ay gagawin tayong kakaiba. tulad nang nabanggit ni Ms. Gina Alajar, pwede naman gumawa pala ng pelikula or kwento na may kwenta,” dagdag pa ni Mr. Vallejos.
Wala pang nabanggit si Mr.Vallejos kung kailan ito ipalalabas sa mga sinehan pero sana ay ipalabas ito nationwide.
Aktres, napatunayan ang pagsisinungaling!
Gustong gumawa ng ingay ng isang starlet na medyo matagal-tagal na sa showbiz pero wala pa ring kumbagang major achievement.
Inconsistent ang mga statement nito tungkol sa kanyang mga pinagdaanan kaya marami na ang hindi siya pinaniniwalaan.
Lumabas nga na nagsisingungaling ito.
- Latest