Paolo, mas kailangan ng dasal kesa panghuhusga
Naku, parang talagang nabuhay ako sa gulo ng mundo. Sa gitna ng dialysis, kuliti at maraming discomfort, relevant pa rin ako sa mga kung anu-anong issues.
Sa edad na 76 akala ko irrelevant na ako at hindi na seseryosohin. Pero kahit anong sabihin ko, lagi pa ring hinahanapan ng issue.
Hay naku, pumasok ako sa showbiz sa edad na 20, doon unang lumabas ang article ko sa Daily Star kay Sir Johnny at si Andrew Go ang publisher. Ngayon 56 years later heto pa rin ako na nasasali sa mga kontrobersiyal na nagaganap sa showbiz.
‘Kaloka dahil mas marami pa yatang ganap sa buhay ko kesa sa mga alaga ko, kaya natatawa ako dahil feeling lola Lolit na ako pero meron pa ring issue. Buti na lang at nasa US ang nag-iisa kong apo na si Kinsey kundi baka nakairap iyon sa akin dahil sa mga nangyayari.
I never run away from any fight lalo ‘pag alam ko na tama ang mga alaga ko. I will take a bullet for them anytime dahil lahat sila para ko nang mga anak. Their pain is my pain, kaya no matter what, I will be at their side. Maipagmamalaki ko na mabubuting tao ang mga alaga ko, may mga konting pagkakamali pero walang sinasaktan na tao.
Kung sakali at hindi naging maganda ang personal nilang relasyon, doon sa partner lang nila may responsibilidad, hindi sa ibang tao. Imposibleng hindi sila nasaktan nang masira ang relasyon nila sa partner nila. Imposibleng hindi iniyakan ni Paolo Contis ang paghihiwalay nila ng mga ina ng mga naging anak niya. Pero ano ang magagawa niya kung sa paghahanap ng forever ay naging mailap ito sa kanya. Hindi biro ang pagsasama at pagkakaroon ng anak na hindi tatamaan ang puso mo. Pero siyempre dalawang tao iyon na may mga sariling desisyon.
Dapat nga ay dasal na sana makatagpo na ng tunay na mamahalin si Paolo, at magmamahal sa kanya. Gusto ko ring makita na tahimik at maligaya ang buhay niya. Maging mapang-unawa tayo, huwag nating isisi sa isang tao ang pagkakamali ng dalawa. Kaya kahit anong sabihin, I will stand by Paolo Contis’ side, dahil alam ko, his heart is kind and loving.
Give him a chance. Let him be happy. Huwag na nating gawing komplikado pa ang buhay niya. Bongga.
- Latest