^

PSN Showbiz

Boobay, lifetime na ang gamot sa anti-seizure!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Boobay, lifetime na ang gamot sa anti-seizure!
Boobay at Tekla

Balik-trabaho na si Boobay pagkatapos pagpahingahin ng GMA 7 dahil sa kanyang karamdaman.

Nag-taping na siya kahapon sa The Boobay and Tekla Show at naka-text ko si Boobay bago pumasok sa GMA 7, okay na okay na raw siya.

Ilang linggo rin siyang nagpahinga kaya pumunta raw muna siya ng Japan kasama ang isa ring kasamahan nila dati sa TBATS na si Pepita Curtis.  “Biglaang bakasyon lang po ‘yun, kuya, para makapag-unwind habang naka-break po ako sa TBATS po,” text ni Boobay.

Kaya lang nang nalaman daw ng mga kaibigan niya at ilang kababayan natin sa Japan, kinumbida siya sa isang event doon.

May mga treatment na ginawa kay Boobay habang nasa bakasyon.

Ayon sa kanya, lifetime na raw ang anti-seizure na pinapa-take sa kanya. Meron siyang binanggit na gamot na kailangan niyang inumin twice a week.

Mas maingat na raw ngayon si Boobay sa kanyang kalusugan, kaya nagbabawas na siya ng load ng trabaho. Okay pa rin naman daw siya sa regular na gigs sa Klowns, pero pinabawasan daw niya. Yung dating five times a week na sampa sa Klowns, ngayon daw ay three times a week na lang.

Kapag may taping daw siya, hindi na siya puwedeng sumampa para hindi siya mapuyat.

Ang saya-saya raw niya nang nakita na ang mga kasamahan niya sa TBATS lalo na ang co-host niyang si Super Tekla.

Tinanong ko na rin si Boobay kung sakaling kukunin siya ng Eat Bulaga na maging regular host kasama sina Paolo Contis, tatanggapin ba niya ito?

“Okay lang din po, Kuya…pero ipapaalam ko din po muna kay Nay/Boss Allan K if ever po,” text niya sa akin.

Samantala, ang latest sa programa nina Tito, Vic and Joey sa TV5, nag-pictorial daw sila kahapon. Ang narinig naming title ng kanilang noontime show ay This Is Eat!

Hindi pa naman ito kinumpirma sa amin. May bali-balita ring baka ililipat daw ng GTV 11 ang It’s Showtime.

May nagsasabing hindi mangyayari ‘yun pero nagkakaroon daw ng meeting, pero walang ideya kung ano ang napag-usapan.

May narinig pa kasi kaming gusto raw ni Atty. Felipe Gozon si Vice Ganda, dahil ang talino raw nito. Kaya abangan natin itong mga ganitong pagbabago sa noontime slot sa TV.

Gladys, naka-relate sa may Autism

Suportado ng veteran stars ang bagong production na gustong gumawa ng isang malaking pelikula. Nagkaroon ng story conference ang Utmost Creatives na producer ng pelikulang Unspoken Letters na sinulat at dinirek ni Mario Gat Alaman.

Ilulunsad dito ang bagong artistang si Jhassy Busran. Nakagawa na si Jhassy ng series para sa Facebook na kung saan nakatambal niya rito ang isa ring baguhang si John Heindrick.

Family story ito na at gagampanan ni Jhassy ang isang batang may ASD o Autism Spectrum Disorder.

Inalok kay Gladys Reyes ang isa sa mahalagang role sa pelikula at sabi niya, kaagad na naka-relate siya dahil sa meron siyang kapatid na may ganung kalagayan.

Sabi pa ni Gladys, suportado niya ang mga nagsisimula sa pag-arte kagaya ni Jhassy, at pati ang direktor dahil may mga alam din siya kung paano i-handle ang mga taong merong ganitong kalagayan.

Ani Gladys, “Dahil everyday kasama ko ‘yung kapatid ko for how many years, for how many decades, ‘di ba? Kasama ko siya sa bahay.

“So the way he talks, the way he behaves. ‘Yung tantrums, kailan uma-appear, puwede kong i-suggest sa kanila. ‘Medyo ganito po.’

“Although ‘yung mga taong may autism, hindi rin sila pare-pareho, ano? Like ang kapatid ko, lalaki ‘yung kapatid ko, e.

“So like kailangan, routine, ‘di ba? ‘Pag naiba ‘yung routine — may nabasa ako sa script na ahhh para sample lang po ito, ayaw natin na i-preempt…

“Halimbawa, nag-iba ng upuan, ‘di ba, hindi siya nakaupo dun. Talagang ano, ipagpipilitan niya. Kasi sanay siya, dun siya umuupo, e.

“Totoo ‘yun! May mga ganoong pangyayari… I think, malaking tulong din ho, baka puwede ho tayong makipag-coordinate with Autism Society Philippines.

“Because they know better, ‘di ba? At para matulungan din nila kami.”

Kasama rin sa pelikulang ito sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Daria Ramirez, Simon Ibarra, Orlando Sol, Deborah Sun at marami pa.

Balak daw nilang isali ito sa Metro Manila Film Festival.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

COMEDIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with