^

PSN Showbiz

Law community nagsalita sa legalidad ng EB

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Marami talagang kakatuwa at hindi kapani-paniwala sa Eat Bulaga. Isipin mo na isang title na naimbento ni Joey de Leon noon pang 1979, kumita nang malaki at tumagal ng 44 na taon sa telebisyon pero hindi nila naisipang iparehistro sa copyright.

Iyon namang naging producers nila, Tape Inc.nagparehistro ng Trademark nito pero ang hinabol lang nila ay merchandising, hindi nila hinabol ang entertainment services kung saan nila ginagamit ang Eat Bulaga.

Ngayon ano ang magi­ging status? Ginagamit ng mga Jalosjos ang Eat Bulaga, at magagawa nila iyon dahil matagal nilang ginamit nang wala namang objections. Pero may balik iyan, oras na lumabas na ang copyright ni Joey de Leon, dahil hindi naman maikakaila at hindi maangkin ang title mula sa kanya, maaari niyang singilin ang mga Jalosjos sa paggamit sa kanyang intellectual property simula nang mabuo sila at gamitin ang kanyang title noon pang 1981.

Milyong piso rin iyan kung iisipin. Iyon namang mga Jalosjos, hindi nila mapipigil ang TVJ at ang TV5 na gamitin din ang Eat Bulaga, basta huwag lang gagawa ng merchandising materials, kagaya ng mga mug, key chain, T-shirt o kung ano man na kanilang ibebenta. Wala naman kasi sa rehistro ng TAPE Inc. ang entertainment service.

‘Yan ay kung hindi totoo ‘yung kuwentong 2 years ago ay nagpa-copyright ito ng TAPE Inc.

Ang daming abogado at mga dean ng mga law school na nakialam at nagbigay ng kanilang opinyon sa kanilang mga vlog. Hindi naman makakapag-reklamo ang sino man na subjudice iyon dahil wala naman silang kinalaman sa kaso talaga.

Hindi mo masasabing contempt dahil hindi pa naman nagsisimulang dinggin iyon ng korte, pero may iba pa kayang desisyong magagawa eh parang may nasabi na ang halos buong law community?

Pero ang leksyon, si Joey de Leon kasi ay isang artist. Ginagawa lamang niya ang sa tingin niya ay pinaka-maganda. Hindi niya iniisip ang kanyang karapatan .

Aktor, nabuhay sa pamamakla

Nagawa man niyang itago sa mata ng publiko, hindi makakaligtas si male star sa pagbibigay ng sustento sa anak niya sa kabit na female bold star ngayon.

Kaya lahat ng ialok sa kanyang projects ngayon, kahit halos barya lang ang bayad at wala talagang kawawaan ang role, ok lang sa kanya. Hindi gaya noong araw na nagrereklamo pa siya sa ibinibigay na projects sa kanya dahil hindi niya trip.

Ngayon kahit na “mag-sideline” siya sa mga bading, na hindi na rin naman tatagal dahil tumatanda na siya ok lang sa kanya, alam din naman iyon ng syota niya pero ok lang basta may uwi siyang pera pagkatapos dahil saan nga ba kukuha ng pang-gastos ang syota niya para sa kanilang anak at sa anak pa nito sa una.

Sa totoong misis niya, magwawala iyon kung malalamang nambabakla siya, eh sa kabit niya ngayon ok lang iyon. Ang tatay naman ng syota niya ay nabuhay din sa mga bakla noong araw.

EB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with