Bimby pinauwi na sa Pilipinas, Kris aalagaan muna ni Mark Leviste
Nakauwi na sa bansa si Bimby Aquino.
Umalis siya the other day sa Los Angeles at inihatid ito sa airport nina Kris Aquino at boyfriend niyang si Batangas Vice Governor Mark Leviste.
Kaya ang magbabantay raw muna kay Kris, ang karelasyong pulitiko.
Yup, ito raw muna ang mag-aalaga kay Kris.
Matagal-tagal nang nasa Amerika si VG Mark at mukhang true love level na talaga sila.
Sobra-sobra raw ang pag-aasikaso ni Mark kay Kris ayon pa sa source.
May ipinost din si Kris tungkol sa pagbalik si Bimby sa Pilipinas at marami ang naging emosyonal.
Caption niya : “Tuesdays are my immunosuppressant/chemotherapy day. He left to fly home on Wednesday - i only have until the end of June until i need to lessen my activities in high density places because by then my immunity will be too weak to fight any infection.
“Bimb & i discussed it, nakikita ko yung stress & anxiety my bunso was feeling. He’s had to grow up so fast because he needed to learn to be responsible in helping taking care of me; kawawa kasi nakikita nya the many new physical physical manifestations because from 3 when we came to the (USA flag emoji) a year ago, naging 5 na yung diagnosed autoimmune conditions ko. As his mama i felt for a few months he deserves to enjoy being 16.
“i knew after a year bimb was longing to be with his various titas (my sisters, cousins, and friends); titos (my brothers in law, cousins in law and the husbands of my friends); his many cousins & the kids of my friends. i love you, it was heartwarming to see you & kuya together. Thank you @michaelleyva_ for being part of our family.
“i love you w/ my whole heart, kuya & bimb. Mama promised she’ll go through all treatments so i’ll be around, God willing, while you both still need me. around, God willing, while you both still need me. ”
Ingay sa social media ng Eat Bulaga, hindi na-translate sa rating?!
Nakaka-one week na rin na pinag-uusapan ang new version ng Eat Bulaga.
‘Yun nga lang, ‘di raw nata-translate sa rating at commercial ang ingay nito sa social media.
Noong Lunes lang daw ito nakakuha ng 5.2 na rating and the rest of the week, 4 something na lang ang rating nito.
At ang commercial load, three minutes na lang daw.
Actually, four minutes daw pero ‘yung one minute dun ay in-house commercial.
But anyway, malayo na ang narating ng argumento sa nangyari sa longest running noontime show.
May mga analysis na pulitika na ang issue. Pero ganunpaman, tuloy ang kani-kanilang laban sa title nito na Eat Bulaga.
- Latest