Alexa, ang lakas ng kapit sa noontime show!
Marami ang nagulat na biglang nasa EB si Alexa Miro na matagal nang pinag-uusapang girlfriend diumano ni Cong. and Presidential son Sandro Marcos.
Diumano’y sa isang prime residential condo sa Makati City na sila nakatira. At kaya nga raw nabuking na may unit sila ay dahil sa delivery ng pagkain. Naririnig daw sa lobby ng building na ‘delivery for Alexa Miro.’
Noong isang taon pa nali-link sina Cong. Sandro and Alexa. Pero nagsalita noon ang presidential son sa isang TikTok video na “Magkaibigan talaga kami ever since.”
Kumalat din last year ang kanilang mga picture na magkasama sila sa Singapore F1 Grand Prix.
Bongga si Alexa. Mabilis ang takbo ng career. Imagine sa dinami-rami ng artista ng GMA 7, siya ang nakasama sa mga bagong host ng EB.
- Latest