^

PSN Showbiz

Jennica, maayos na ang pakiramdam!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jennica, maayos na ang pakiramdam!
Jennica Garcia

Bilang isang single mom ay hindi madali para kay Jennica Garcia na magpalaki ng dalawang anak.

Mahigit dalawang taon nang hiwalay ang aktres at Alwyn Uytingco. Dalawang babae ang naging anak nina Jenica at Alwyn na sina Mori at Alessi. “Mahirap maging single mom. Kahit naman single dad, it’s difficult to be a single parent. Pero kaya pala talaga. Mahirap lang sa umpisa pero eventually kapag nalampasan mo na at kapag nakapag-heal ka na ay super empowering ng feeling,” makahulugang pahayag ni Jennica sa Magandang Buhay.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa dalawang anak dahil ang mga bata umano ang dahilan kaya siya naging matatag sa buhay.

Mayroong mensahe si Jennica para sa kanyang mga mahal na supling. “Thank you dahil dumating kayo sa buhay ni nanay. Lagi n’yong sinasabi na thank you for everything pero si nanay talaga ang dapat mag-thank you kasi si nanay nakakagawa ngayon ng mga bagay na hindi ko alam na kaya ko palang gawin. Dati si nanay sobrang hina ng loob. Tumagal ako sa industry na hindi ako kumakanta ng live, hindi sumasayaw si nanay, namimili ng role si nanay. Pero ngayon pakiramdam ni nanay ay wala siyang hindi kayang gawin at ‘yon ay dahil mayroon akong kayo. I love you,” paglalahad niya.

Maituturing ni Jennica na talagang maayos na ang kalagayan na kasama ang dalawang anak  ngayong nakabalik na sa pagtatrabaho.

“Ayos na ayos na po talaga ako. Pakiramdam ko kung tatanungin ako ngayon parang kailan ka pinakamasaya sa buhay mo, pakiramdam ko talaga ay 2023 po. Maski kapag tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin parang dati iniisip ko parang hindi ako maganda, parang ang daming mali sa akin. Pero ngayon kapag tumitingin ako sa salamin, sinasabi ko pa rin, ‘Hindi ka maganda pero cute ka.’ ‘Yung medyo gusto ko na po ang sarili ngayon,” nakangiting kwento ni Jennica.

Cris, tanggap na ang LGBT

Mapapanood na sa iWantTFC simula ngayong araw ang Drag You & Me  na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes, JC Alcantara, at Christian BAbles.

Kabilang din sa naturang digital series si Cris Villanueva na ayon sa aktor ay siguradong kaiinisan ng mga manonood ang kanyang karakter. “Gusto ko ‘yung role ko, gusto kong magalit sila sa akin. Gusto kong magalit sila sa sarili nila kung katulad nila ‘yung role ko. Gusto kong maging ako ‘yung learning wand para sa sarili nila na makita nila na mali pala ‘yon or else it will just continue on. Ang daming uninformed na lalaki, ang daming toxic masculinity lalo sa Pilipinas. Tinolerate ng mga magulang natin ‘yan, ng society at tiningala natin ‘yon no’ng lumalaki tayo,” nakangiting pahayag ni Cris.

Umaasa ang aktor na kapupulutan ng aral ng mga manonood ang kanyang karakter sa serye.

Para kay Cris ay dapat mas unawain at mahalin ang mga kabilang sa LGBT community. “I think it’s about time na magkaroon ng mga katulad ko sa role ko na matutunan makita nila ‘yung sarili nila na mali ‘yon. Feeling ko marami akong matuturuan na masyadong maraming lalaki ang tulad ni Ricardo Sr. Acceptance is the key to have unity. Hindi ito basta everybody has to be rallying about being empowered. I think we have to empower everyone to accept as a person. Kung ano ‘yung gusto nila, ibigay natin. Kasi hindi lang naman kaligayahan ng isang tao, ng sarili mo ang kailangan nating intindihin, kailangan ng katabi mo at nang nakikita mo. I think that is a very important thing in everything especially in accepting the LGBT community, realizing that we’re different, respecting that difference, and finally unite with each other,” paliwanag ng aktor. Reports from JCC

vuukle comment

JENNICA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with