'Hindi ako nag-cheat': Moira Dela Torre klinaro tsismis sa kanila ni Zack Tabudlo
MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng mang-aawit na si Moira Dela Torre ang mga ipinupukol na isyu sa kanya matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni Jason Hernandez — ito matapos madikit ang isa pang singer sa isyu.
Isa kasi sa mga diumano'y composer ni Moira na si Lolito Go ang nagsabing nakahanap na raw noon pa ng pamalit kay Jason ang singer bago pa man daw umamin sa kasalanan ang huli. Pinangalanan din ni Go ang kantang "Binibini" ni Zack Tabudlo bilang clue.
"I did not cheat on Jason. It is unfair that I find myself in a position where I have to defend my name and even explain why I did not deserve to be cheated," wika ni Moira sa isang pahayag, Martes.
Mayo 2022 nang kumpirmahin nina Moira at Jason ang kanilang paghihiwalay matapos ang tatlong taon bilang mag-asawa.
Linggo lang nang sabihin ni Go na totoong nagkasala sa relasyon si Jason nang kumuha raw ang nabanggit ng "masahista" na siyang tumugon daw sa kanyang "tawag ng laman."
Klinaro rin ng sikat na mang-aawit na hindi raw totoong nagkaroon siya ng mga ghost writer sa kanyang mga kanta, ito habang idinidiin ang pangangailangang protektahan ang kanyang mental health matapos ang hiwalayan.
"I want to set things straight once and for all. Let me be clear: I have never employed a ghostwriter. Throughout my career, I have been fortunate enough to collaborate with immensely talented artists who treat each other with respect and acknowledge the contributions we all bring to the table," dagdag pa ni Moira.
"Every song I have created is a true reflection of my deepest emotions and experiences. I am fully prepared to provide evidence that supports this truth, including screenshots of conversations and recordings of my songs, which will undoubtedly validate and disprove the harmful accusations made against me."
"I never imagined that I would find myself in a situation where I have to explain and defend my decision to leave a marriage, as well as justify the state of my mental health."
Una nang sinabi ni Go na collaboration nila ni Moira ang kanta niyang "Titibo-tibo." Ani Lolito, personal na kanta raw nila ito ng isang Libertine Amistoso.
Zack Tabudlo no comment pa rin
Kamakailan lang nang kumalat ang ilang photos at online interactions nina Zack at Moira, bagay na nakikitang sweet ng netizens. Ito'y kahit na sila pa noon ni Jason.
Wala pa namang komento si Zack patungkol sa pahayag ni Go at haka-haka ng netizens, kahit nabanggit ang mga katagang "dance in the rain" sa aniya'y clue sa bagong love interest daw ni Moira. Makikita ang mga salitang ito sa English version ng kantang "Binibini."
"We made history again last night!! first ever filipino local artist to reach 8 million listeners on spotify. cannot believe we’re here," ani Zack noong Sabado.
"Thank u all sm for the support all through out the years. all my love to you guys."
- Latest