Alexa Miro at Sandro Marcos, tenant daw sa prime residential condo sa Makati!
Sa isang prime residential condo located in Makati City pala nakatira ngayon si Ivana Alawi.
Not sure ang nakausap ko kung renting o owner si Ivana ng nasabing unit na ang ongoing rate diumano ng rent a month ay umaabot sa P300,000.
Well, afford naman ng sexy star / vlogger ang nasabing amount pero sossy na rin talaga si Ivana dahil mga super rich ang mga neighbor niya.
Nali-link ngayon si Ivana sa isang prinsipe ng Brunei.
Samantala, sa nasabing building din daw may unit ang sexy star na si Alexa Miro. Sa Penthouse, mind you.
At kaya nabuking na may unit siya ay dahil sa delivery ng pagkain.
Narinig daw sa lobby ng bulding na ‘delivery for Alexa Miro.’
At ‘yun na.
May unit din diumano sa nasabing prime residential condo building si Presidential son Sandro Marcos na nali-link kay Alexa.
Lucky girl si Alexa na in all fairness ay gumagaling na ring mag-host sa true lang.
Pareho naman silang single.
Noong isang taon pa nali-link sina Cong. Sandro and Alexa.
Pero nagsalita noon ang presidential son sa isang TikTok video na “Magkaibigan talaga kami ever since.”
Kumalat din last year ang kanilang mga picture na magkasama sa Singapore para sa F1 Grand Prix.
At sa nasabi ring TikTok video na gamit ang pangalan na @ferdinand_alexander7 ipinaliwanag ng batang pulitiko na nasa group of people sila noon ni Alexa pero nung umiikot daw sila ay biglang may lumapit habang kumukuha sila ng drink at pinicturan sila na kumalat nga that time.
- Latest