^

PSN Showbiz

Sampung lalaki, hahanapin ang kanilang Sparks sa camp

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sampung lalaki, hahanapin ang kanilang Sparks sa camp
Ted, Mela at Patrick

Sampung lalaki ang isusugal ang kanilang kapalaran para mahanap ang kani-kanilang sparks sa pinakabagong queer dating reality show ng bansa na Sparks Camp na napapanood umpisa kahapon, Mayo 24 (Miyerkules).

Umani na nga ng lampas tatlong milyong views ang kanilang unang pasilip tungkol sa bagong series ng Black Sheep.

Ang Sparks Camp ay ididirehe ni acclaimed TV at movie director at story editor na si Theodore Boborol. Gagamitin ni Direk Ted ang karanasan niya sa PBB, MMK, at Ipaglaban Mo para ilapit ang buhay ng campers sa manonood.

Si Patrick Valencia na lumikha na rin ng ilang sikat na queer stories tulad ng Hanging Out, The Third Party, at Hello Stranger mini-series at si Daniel Saniana ng Sila-Sila ang magsisilbing writers ng show.

Samantala ang LGBTQIA+ icon na si Mela Habijan ang magsisilbing ‘Mother Sparker’ ng palabas.

Panoorin kung paano niya dadalhin ang pagiging aktibo niya sa pangangalaga ng karapatan ng LGBTQIA+ sa show.

Sa kasalukuyan, napapanood si Mela sa sarili niyang digital show na 3Some, TikTok series na Mahalagang MELAman Mo, at YouTube content na All Things T.

Sa isang outdoor camp, magsasama-sama sina Dan, Nick, Gabe, Justin, Stanley, Karl, Aaron, Alex, Bong, at Nat para kilalanin ang isa’t isa at hanapin ang bagong taong posibleng magpasaya ng kanilang buhay.

Dadaan sila sa iba’t ibang challenges at games para ma-test ang kanilang chemistry at mabuo ang bond nila sa isa’t isa.

Alamin kung sinu-sino kaya ang uuwing luhaan o kung sino sa kanila ang makakahanap ng ka-spark sa loob ng camp?

Parte ng Made for YouTube ng ABS-CBN, mapapanood ang Sparks Camp tuwing Miyerkules sa YouTube channel ng Black Sheep.

CAMP

SPARKS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with