^

PSN Showbiz

Dumadalas ang pagkatulala! Boobay pinagpahinga, pinalitan ni Buboy

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dumadalas ang pagkatulala! Boobay pinagpahinga, pinalitan ni Buboy
Boobay

Pinagpahinga pala ng GMA 7 si Boobay dahil sa madalas na mild seizure niya.

Minsan sa taping ng The Boobay and Tekla Show ay nakikita mismo ng audience na nagkaka-mild seizure siya. Napapadalas pa rin daw ang atake sa kanya na natutulala na lang kaya pinagpahinga na muna ito.

Pinabawasan na rin kay Boobay ang mga raket na puyatan, dahil kailangan talagang mabalik ang normal niyang kalusugan.

Ang pansamantalang ipinalit sa kanya kay si Buboy Villar. Pinuri ng production staff si Buboy dahil maga­ling ito at nagswak naman sila ni Super Tekla.

Puwede ngang gawin munang The Buboy and Tekla Show. Nakapag-taping na si Buboy ng ilang episodes.

Sabi nga ng ibang nagmamahadera, puwedeng gawing regular na si Buboy sa naturang comedy show.

Baka magkaproblema na naman daw kay Tekla, kaya baka puwede ring The Boobay and Buboy Show muna sila.

Pero sabi naman ng ilang napagtanungan namin, okay na raw si Boobay at baka pabalikin na rin siya sa susunod na taping.

Richard, nadadala kay Baron

Hindi nakapagtatakang extended na naman ang Iron Heart ni Richard Gutierrez.

Papasok na pala ito sa season 3, at mas maaksyon ang mga susunod na mapapanood sa action-drama series ng Kapamilya channel.

Wala pa silang masasabi kung sino ang mga bagong dagdag sa cast, pero ang isa lang daw sa magiging regular na ay si Ian Veneracion.

Pero sobrang tuwa ni Richard sa support ng co-actors niya at ang gagaling daw nilang lahat.

Isa nga sa puring-puri niya ay si Baron Geisler.

“Si Baron napakahusay, nadadala ako sa karakter niya,” pakli ni Richard.

Panindigan na nila ang maaksyong serye kaya abangan daw kung ano pa ang mapapanood sa Iron Heart.

Kaya nakaka-inspire raw ang magandang feedback at ratings sa Iron Heart. “

“So for me, we take that pride na we’re doing good. We’re good. You know, we are giving them a challenge na kahit na walang network ang ABS, we are still competing very hard in that timeslot,” napapangiting pahayag ni Richard sa aming interview ka­makailan.

Alexa Miro, biglang pinag-interesan pagkatapos ng summer

Ang suwerte ni Alexa Miro, dahil pagkatapos magsara ang Tropang LOL, may regular show pa rin siya sa Net 25.

Kasama si Alexa sa sitcom ni Empoy Marquez na Anong Meron Kay Abok, at tuluy-tuloy pa ito.

Na-impress ang mga taga-Net 25 sa hosting job ni Alexa sa nakaraang Summer Blast ng Maligaya Development Corporation, Philippine Arena na partnership sa Net 25. Kaya may pinag-iisipan na raw silang isa pang show sa singer/TV host. “So far, there are plans of projects for Alexa. We’re very happy with her performance as host of Summer Blast. Kasi sa Summer Blast, sabi niya ‘yun ang first hosting niya, and we’re very happy with her performance,” pakli ng Presidente ng Net 25 na si Ka Caesar Vallejos.

Tuwang-tuwa sina Ka Caesar sa nakaraang Summer Blast na ito ang pinakamaraming dumalo at nakisaya sa naturang event.

ACTOR

COMEDIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with