Knowledge Channel, may bagong show para mabawasan ang screen time ng mga bata
Patuloy na pinalalakas ng Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) ang adbokasiya nito sa early childhood care and development na may hatid na bagong animated series na The Heroes of Zero, na tatalakay sa ligtas at responsableng paggamit ng teknolohiya ng mga batang Pilipino.
Nabuo ang bagong programa na ito kasama ang Philippine Mental Health Association, Inc. (PMHA) at UK-based organization na Power of Zero para bigyang gabay ang mga magulang at ipaintindi sa mga kabataan ang tamang oras at gamit ng internet.
“The Heroes of Zero video series, which the Knowledge Channel so creatively designed in collaboration with PMHA, are short yet potent educational materials that aim to target values formation among our young learners in a medium that they can appreciate. PMHA is excited and all set to pilot the implementation of the Power of Zero project among our kindergarten pupils,” pahayag ni PMHA national executive director, Dr. Carolina Uno-Rayco.
Ang launch ng The Heroes of Zero ay pwedeng mapanood live sa Mayo 17 (Miyerkules) sa Facebook page ng Knowledge Channel at sa Zoom sa pamamagitan ng link na ito https://bit.ly/HERO2023.
- Latest