^

PSN Showbiz

Donna, walang kupas ang ganda

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Donna, walang kupas ang ganda
Donna at Isabella

Ang bongga naman ni Donna Cruz at ng nag-iisa niyang daughter na si Isabella Larrazabal.

Lutang ang pagiging magkamukha ng mag-ina at kahit ang mga ngiti nila ay iisa. Kailan lang ay nag-bonding sila sa salon at nagpagupit ng parehong hairstyle. Kaya naman lalong lumabas na nagmana talaga si Belle sa kanyang mommy na para silang kambal.

Parang hindi rin tumatanda si Donna at ang ganda pa rin nito gaya ng dati. Napakomento nga rin si Christine Babao na parang hindi nga ito tumatanda na lalong bumatang tingnan nang magpagupit. Para lang silang magkapatid ng daughter niya.

Si Belle ay panganay na anak nila ng Cebuano opthalmologist na si Dr. Yong Larrazabal. Bukod kay Belle, may mga anak din silang lalaki na sina Cian at Gio.

‘Bawal ang nega…’

Iba na talaga ang katawan ng isang 76. Lalo na sa isang katulad ko na naging pasaway du­ring her young days.

Talagang paggising sa umaga iba na ang feeling ko, parang mahina na katawan at hindi na tulad ng dati na puno ng energy. Kaya naman I make sure na talagang ingat na ako ngayon sa mga ginagawa ko. Ang dali kong mapagod, minsan hinihingal ako, dahil siguro may health issues na ako, tapos edad 76 na rin kaya ganito na.

Ewan ko ba, talagang ngayon ko na-appreciate ‘yung active lifestyle ko noon. ‘Yung rampa to the max, ‘yung parang kapaguran sa mga ginagawa. Sabagay suwerte ako na hanggang ngayon nandito pa, eh wala na sina Douglas Quijano, Bibsy Carballo at Ricky Lo.

Parang ako na lang at si Ethel Ramos sa era namin ang buhay at active pa. At hindi ko nga ma-imagine na relevant ako kaya kung minsan nagiging pilya ako at gustong iparamdam ang presence para ma-feel na relevant pa.

Hay naku, after ng birthday lunch ni Bong Revilla para sa akin, magpapakabait muna ako. Hah hah, birthday ko, bawal ang nega, bongga.

vuukle comment

DONNA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with