Grae Fernandez, nagbebenta ng ticket ng kanyang stage play sa Times Square
Marami ang natuwa nang nakita sa social media ang stage play sa New York City, NY, USA na isa sa cast ay si Grae Fernandez.
In-announce sa Facebook na bahagi si Grae bilang si Cooper sa stage play na pinamagatang Really, Really.
Mag-uumpisa na ito sa Linggo, May 21 sa Amerika ng 11 ng umaga sa Stella Adler Studio of Acting sa Broadway, New York, NY.
Adjusted na raw si Grae doon. At sa tulong ng kaibigan naming si Oliver Carnay sa Los Angeles, California, nakipag-coordinate siya kay Grae para sagutin ang ilang katanungang ipinadala ng ka-PEP Troika kong si Jerry Olea.
Sabi nga ni Grae, nagustuhan na raw niya ang buhay niya sa New York, at patuloy pa rin siya sa pag-aaral.
“I love New York City. It has so much to offer and so much to learn from. My favorite part is the diverse cultures from all around the world.
“As a creative I draw so much inspiration every waking hour I am in this Great town. I have many friends I bond with and grow with.
“The people here are very honest and don’t have a filter which I love. Everyone has a story to tell and learn from,” pahayag ni Grae through email na idinaan kay Oliver.
“Yes I am doing Really Really directed by Celeste Moratti, written by Paul Downs Colaizzo starring Grace Cameron ‘Grae’ Fernandez as Cooper, Justin Wooster as Davis, Marcel Parysek Guerrito as Jimmy, Rocco Gagliarducci as Johnson, Arezu Tavakoli as Leigh, Carmen Ezcurra as Grace, Cecilia Wisky as Haley for the Rehearsal Projects of the Stella Adler Studio of Acting.
“The play is about the struggle for acceptance and survival in an American College setting in the North East in the time of the late 2000s.
“We had 6 weeks to rehearse and I would say it was a ecstatic time of learning and collaboration with my director and cast mates.
“There is a certain level of discipline and professionalism in the Theater training. We have an open ideology when it comes to acting choices and ideas, no one is left out or unheard.
“We play for the team and only want the very best for the Play.”
“At the moment I am focused on the tasks I have in front of me,” tugon ng aktor.
Sabi nga ng handler ni Grae, medyo malalim daw ito, at ang dami na niyang gustong gawin kapag makabalik siya rito.
“But if I were to go back to the Philippines for work I believe I am ready to have a more creative role such as my Great GrandFather the illustrious director and actor Gregorio Fernandez and my Grandfather Action Star and Award Winning Actor and Producer Rudy ‘DABOY’ Fernandez.
“I have learned so much about the art form of storytelling during my stay that I have developed a voice and vision for any work that I am interested in.
“I have gained the knowledge to operate a Creative endeavor,” saad pa ni Grae.
Balak din pala niyang pasukin ang pulitika kapag mabigyan siya ng pagkakataon.
“I am also interested in the possibility of a future in Politics such as my GrandMother, Chairman of the Philippine board of Councilors and actress Alma Moreno, and my Great Uncle Action Star and Senator of the Philippines Robin Padilla.”
Kuwento pang nakarating sa amin, nakita pa raw si Grae ng ABS-CBN reporter MJ Felipe sa may Times Square na nagtitinda ng ticket sa kanilang stage play.
Meron daw gustong panoorin doon si MJ, at tinulungan naman daw siya ni Grae na makakuha ng ticket.
Seryoso raw ito sa kanyang ginagawa, at nag-i-enjoy na siya sa kanyang buhay sa Amerika.
Ms. Beautederm, napili na
Nakapili na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ng winner ng Miss Blance Beaute by Beautederm sa Binibining Pilipinas.
Napanalunan ito ng 25-year old model at German teacher na si Annalena Lakrini ng Bataan.
In-announce ito sa nakaraang preliminary pageant ng Binibining Pilipinas 2023 nung nakaraang Huwebes na ginanap sa New Frontier Theater.
Bilang Miss Blance Beaute, makakatanggap si Annalena ng P500K worth of Beautederm products at P100K.
Automatic, kasama na si Annalena sa mahigit 80 brand ambassadors ng Beautederm.
Excited si Ms. Rhea sa pag-sponsor nila sa Binibining Pilipinas dahil nagkaroon siya ng pagkakataong maibahagi sa mga kandidata ang mga tips for success.
Abangan na lang natin ang grand coronation ng Binibining Pilipinas sa May 28.
- Latest