Daniel, Gerald, Donny, Showtime hosts at marami pang iba, magtatagisan sa All Star Games 2023
Magpapakita ng galing sa iba’t ibang sports sina Daniel Padilla, Gerald Anderson, Donny Pangilinan, hosts ng It’s Showtime, at marami pang iba sa inaabangang Star Magic All-Star Games 2023 sa darating na Linggo (Mayo 21) sa SM Mall Of Asia Arena.
Sa darating na Linggo (Mayo 21), panoorin sina Daniel, Gerald, at Donny kasama sina Ronnie Alonte, Zanjoe Marudo, Jeremiah Lisbo, Argel Saycon, Lance Carr, Paolo Gumabao, Miko Raval, Jimboy Martin, JV Kapunan, Gerard Acao, at Joseph Marco sa kanilang friendly basketball match kalaban ang Team It’s Showtime na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ion Perez, Teddy Corpuz, JC de Vera, Eric Tai, Nyoy Volante, Zeus Collins, Jin Macapagal, Kid Yambao, Johannes Risler, Polo Laurel, at PBA player Arwind Santos.
Maglalaban-laban din sa basketbol ang dalawang grupo ng Star Magic Mixed rookies. Ang unang grupo ay pinamumunuan nina Seth Fedelin, Ashton Salvador at makakasama nila sina Luke Alford, Kice, Tan Rocal, Isaiah Dela Cruz, Neil Coleta, River Joseph, Karl Gabriel, Jimmy Nocon, Tom Doromal, Marco Santiago, Lance Lucido, Joaquin Santos, at JB Agustin. Ang pangalawang grupo naman ay kinabibilangan nina BGYO Akira, JL, Mikki at sina Kobie Brown, Rob Blackburn, Yamyam Gucong, Elyson de Dios, Russu Laurente, Crismar Menchavez, Dustine Mayores, Kyron Aguilera, Dan Delgado, Tristan Ramirez, at Batit Espiritu.
Magsisilbing muse naman sa mga nasabing grupo sina Belle Mariano, Alexa Ilacad, Francine Diaz, Andi Abaya, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez.
Samantala, magtatagisan naman ng galing sa volleyball ang Star Magic Lady Spikers na sina Loisa Andalio, Analain Salvador, Vivoree Esclito, Anji Salvacio, Gillian Vicencio, Angela Ken, Ashley Colet, Carmella Ford, Mutya Orquia, Aya Fernandez, VJ Ai dela Cruz, PJ Endrinal, Erin Navarro, Jhai Ho at PVL volleyball players Aby Maraño at Rachel Ann Daquis at Star Magic Setters na sina BINI Milkha at Janah Zaplan kasama sina Brenda Mage, Thamara Alexandria, Abi Kassem, Isabel Laohoo, Arabella del Rosario, Krystl Ball, Seham Daghlas, Sela Guia, Khyza Villalino, Rica Kriemhild, Moira Lacambra, Mela Habijan at PVL spikers na sina Myla Pablo at Gretchel Soltones.
Meron din badminton games nina Vivoree at Kaori Oinuma, Zach Guerrero at Seham, Isabel at Kei Kurosawa, Luke, at Gabb Birkin, Ashley at Maxine Trinidad, Darren at AC Bonifacio, Alexa Macanan, at Drey Brown, Aiyana Perlas at Kerwin Ong, JM Yosures at Karen Bordador, at Kurt Mendoza at Rica Kreimhild.
Maari pang bumili sa www.smtickets.com .
Bukod diyan, nakipagsanib-pwersa rin ang ABS-CBN sa at MPL Philippines para naman sa kauna-unahang esports tournament na kasali sa All-Star Games 2023. Tampok dito ang higit sa 40 Star Magic artists tulad nina Robi Domingo, Donny Pangilinan, Anji Salvacion, Maymay Entrata, MPL host Mara Aquino, casters na sina Manjean, Chantelle, Sonah, and Uomi pati na rin guest pro-players mula sa Blacklist International at ECHO at mapapanood via livestream sa Mayo 27 (Sabado). Abangan sila maglaro ng MOBA game na Mobile Legends: Bang Bang. Magsisilbi namang host ng event si VJ Ai dela Cruz.
- Latest