Korean singer na si Haesoo, hindi rin kinaya ang pressure ng career
Ano kayang rason para ang isang magandang singer na 29 anyos lang at matagumpay sa kanyang career ay tapusin ang buhay? Bakit nga ba sunud-sunod ang pagpapakamatay ng mga artistang Koreano ganung sinasabing sa ngayon sila ang pinakasikat sa Asya? Bakit marami sa kanila ang nagdaranas ng depression na nauuwi sa suicide?
Si Kim Ara na mas kilala sa tawag na Haesoo ay balitang natagpuan na lang patay sa kanyang apartment sa South Korea noong Biyernes. May nakuhang suicide note na iniwan niya. Wala naman silang suspetsa bagama’t iniimbestigahan pa rin kung may foul play.
Salamat na lang at dito sa atin kahit na nga tagilid ang industirya at marami ang hindi kumikita wala namang gumagawa ng ganyan. Ang huling suicide case sa Pilipinas sa natatandaan namin ay iyong kaso ni Julia Buencamino, pero iyon ay may kinalaman sa kanyang personal na buhay.
Sinsabi nila na sa Korea raw kaya maraming ganyan ay dahil sa pressure sa kanilang career.
Mayroon silang objective na dapat maabot, at may peg din na dapat nilang kitain, kung hindi para rin silang nagigipit at iyon daw ng pinagmumulan ng depression.
Dito rin naman sa atin ay parang ganyan. Hindi mo kontrolado pero kung flop ang iyong pelikula o mababa ang ratings ng TV show mo, iyon na ang katapusan ng career mo at sinasabing laos ka na.
Marami rin sa ating mga artista ang nakakaranas ng depression dahil diyan, pero iyong ating pagiging relegious ang siyang dahilan kung bakit hindi natin naiisipan ang suicide sa kabila ng depression.
Kaya suwerte pa rin ang mga Pinoy. Saka tila mas malawak ang ating utak at mas natatanggap natin ang kabiguan sa paniniwalang makakabawi rin tayo.
Matteo, ginamit si Sarah para pag-usapan?!
Itinanggi ni Matteo Guidecelli na may kinalaman siya sa hindi pagkakasundo ni Sarah at ng G-Force. Tapos inamin naman niya na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakausap ang kanyang mga biyenan.
Ilang uilit na raw silang nagtangka na kausapin ang mga magulang ni Sarah, dahil alam naman niya kung gaano kamahal ng mga iyon ang kanyang asawa, at kung gaano rin kamahal ni Sarah ng kanyang mga magulang, pero lagi raw hindi natutuloy.
Sinasabing galit pa rin ang mga magulang ni Sarah kay Matteo dahil sa ginawa noong pagpapakasal sa kanilang anak na inilihim sa kanila, ganoong alam ng lahat at naroroong lahat ang pamilya ni Matteo. Kay Matteo tuloy nabuhos ang galit ng mga magulang ni Sarah, at kahit na kinausap na sila ng producer na si Vic del Rosario na nangakong aayusin niya ang gulo, hindi rin naman niya nagawa.
Natural naman na sina Sarah at Matteo ang makipag-ayos, bakit ibang tao ang makikipag-usap sa kanila?
Pero ang tanong namin, iyong serye ng mga interview na iyan ay ginawa kaugnay ng pagsisimula ng career ni Matteo sa GMA 7. Hindi ba pwedeng pag-usapan si Matteo nang hindi kasama sa usapan si Sarah.
Parang lumalabas na may career lang si Matteo dahil asawa siya ni Sarah.
Derrick, nasayang ang pagpapa-sexy!
Nakatanggap na naman kami ng comments na mukhang nasasayang lang daw sa GMA 7 si Derrick Monasterio. Binigyan na nila iyon ang serye na medyo sexy, na kinagat naman ng mga tao dahil iyon naman ng image niya. Pero pagkatapos ay hindi na nasundan.
Ang nakikinabang sa pagpapa-sexy ni Derrick ay ang kanyang endorsements lalo na ng briefs, pero hindi niya nagagamit iyon sa kanyang career bilang isang aktor.
- Latest