^

PSN Showbiz

Naburaot ako

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Naloka ako nitong weekend. Habang kumakain ako sa isang restaurant, may lumapit sa’kin na nagpakilalang si Reagan. (Reagan…Aguilar?! Anak ni Ka-Freddie?! Chos lang!) Nakilala n’ya ako (sa ganda kong ito!) at nakita ‘yung isang pirasong tinapay na natira ko sa mesa. Walang kaabog-abog s’yang nakiusap kung pwede raw sa kanya na lang. (Kaloka ha, ipapa-take out ko pa naman sana!) Akala ko nagbibiro, pero mukhang seryoso s’ya. Kaya give ko na sa kanya. (bilang naka-video kami, baka ma-bash pa ako!) Si Reagan ang tinaguriang Buraot Kween sa social media. (naburaot ako!)

“Buraot means “palahingi” and I became the Buraot Kween of SocMed when my first pambuburaot content (taken during Volleyball Nations League 2022 in Araneta Coliseum) posted on Tiktok got 7.7million views and still counting. Since then I started creating pambuburaot content with ramdom people and the engagement was overwhelming which made the viewers to call me Buraot Kween. Moreover, BuraotSerye was created too as a response to the request of viewers for more pambuburaot content both posted on my Tiktok account and FB page.” Pagpapaliwanag ni Reagan. (mukhang may gustong kumalaban kay Nay Lolit Solis sa panghaharbat ha!)

Pinaalala rin ni Reagan na nakasama ko na s’ya noon sa isang guesting ko sa Eat Bulaga. (i-lang taon ang nakakalipas ha!)  Naging ka-partner ko s’ya sa Quiz Vee segment. (‘di ko na maalala, pero may resibo s’yang video! So, hindi naman gawa-gawa!)

“Charlotte Dianco - Founder, Director and Writer of Springfairy Entertainment Productions has always been so supportive to me even before I became the Buraot Kween of Social Media. She gave me opportunities to play some characters in indie films and TV guestings. “ Paglalahad ni Reagan. (Bumuraot na, raketera pa!)

Next month, first anniversary na ng pagiging Buraot Kween ni Reagan. Aminado s’yang hindi madali gumawa ng content. Sumubok muna s’ya ng iba’t ibang tema, hanggang sa natumbok ang gusto ng kanyang followers. : “The positive feedback and request of viewers for more contents make me feel motivated and inspired to pursue what I have started as a content creator/vlogger. And of course, the trust of business owners to promote their pro-ducts. “ (kumikitang kabuhayan si vakla!)

Bilang sumasalang-salang na s’ya sa showbiz, gusto rin n’yang karirin ang mainstream entertainment industry.“Yes, it is one of my dreams to be part of mainstream showbiz so I make it in my top list of priorities. I love to play the villain role ‘coz it is challenging for me. I dream to be a host-comedian ‘coz I really love to entertain live audience. “ (naku, mambuburaot ito ng mga artista!)

Ang Southern Luzon State University Quezon graduate na ito ay nangangarap ding makasama ang mga bigating mga celebrities para sa ilang collaboration. (may pangarap na bituin!)

“I dream of having my own talk show or game show to guest my celebrity/influencer friends and of course my favorite personalities in different fields (international and local ) like Beyonce, JLo, SB19, Regine Velasquez, Toni Gonzaga, Kaladkaren, Beks Batallion, Small Laude and moreeeee and not to forget, si Mr. Fu naburaot ko na kaya natupad na ang isang pangarap.” Pagbabahagi ni Reagan. (kailangan talaga i-mention ako for more impact!)

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

FREDDIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with