^

PSN Showbiz

'Sana maging okay na lahat': Matteo Guidicelli 'di pa rin makausap mga biyenan

James Relativo - Philstar.com
'Sana maging okay na lahat': Matteo Guidicelli 'di pa rin makausap mga biyenan
Kuha kay Matteo Guidicelli sa "Fast Talk with Boy Abunda"
Video grab mula sa Youtube channel ng GMA Network

MANILA, Philippines — Aminado ang aktor na si Matteo Guidicelli na hindi pa rin sila "in speaking terms" ng mga magulang ng asawang si Sarah Geronimo — bagay na gusto na raw niyang maayos sa tamang panahon sa ikapapalagay ng loob ng kanyang misis.

Dati nang naiulat na nagalit nang husto si Mommy Divine noong nangyari ang "secret wedding" nina Sarah at Matteo noong Pebrero 2020.

"No... If you have the proper intentions... anything is possible," ito ang diretsahang sagot ng aktor nang matanong sa programang  "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes kung nakakapag-usap ba sila ng mga magulang ng misis.

"We're civil. I'd like to believe so."

Ito ang inilahad ng aktor ilang araw matapos magbigay-pugay ni Sarah sa kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin sa kanyang 20th anniversary concert sa Araneta Coliseum noong Biyernes.

Hindi rin nakalimutan ng singer-actress na batiin ang ina sa Instagram noong Linggo sa pagdiriwang ng Mother's Day.

Ayaw namang kumpirmahin ni Matteo ang ilang nasagap na balita ni Boy Abunda na hinarang sila noon nang tangkaing pumasok sa bahay ng kanyang mga biyenan. Kung oo man, hindi na raw niya ito maalala.

May ilang pagkakataon na ginusto nilang bumisita ngunit mas gusto raw nilang manatiling pribado ang mga detalye nito kaysa pag-usapan sa publiko.

Sa kabila nito, naniniwala naman daw siyang nagkakausap sina Sarah at kanyang mga magulang matapos ang lahat ng mga nangyari.

"They're my mom and dad. My father in-law, mother in-law. I want to respect them the best way possible... I just wish one day everything will be okay because I know how much they love Sarah," dagdag pa ni Matteo.

"I pray every day for strength, wisdom and humility that hopefully one day maging okay ang lahat for Sarah's peace of mind."

MATTEO GUIDICELLI

MOMMY DIVINE

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with