Brat aktres, inaway-away ang may alaga sa jowang aktor
Nakarating pala kay magandang aktres ang mga komento ng mentor ng guwapong aktor na boyfriend nito.
Itong si mentor kasi ang unang nag-react sa pagiging bratinella raw nitong si magandang aktres.
Likas na mabait si guwapong aktor, hinahayaan na lang niya at pinapalagpas na lang ang kadramahan ng girlfriend.
Minsan daw papupuntahin niya si guwapong aktor sa condo unit niya. Gusto raw niya itong makita. Sugod naman si guwapong aktor. Pero bigla na lang may kung anong pumasok sa utak ni magandang aktres, aawayin na raw si guwapong aktor at pinapalayas na ito.
Kaya hindi ito type ng mentor at number one supporter ni guwapong aktor kaya’t minsan na nagtatalak ito ay kung anu-anong sinasabi laban kay magandang aktres. Kaso, nakarating pala kay magandang aktres ang mga ‘di magandang sinasabi ni mentor laban sa kanya, kaya galit na galit daw ito.
Ang ginawa raw ni magandang aktres minsan, ginamit raw ang cellphone ni guwapong aktor at kung anu-ano raw ang mga tinext nito kay mentor.
Nag-text pa raw ito kay mentor na tapusin na ang ugnayan nilang dalawa.
Nagduda siya bigla, tinawagan si guwapong aktor para klaruhin kung siya nga ba nag-text ng ganun.
Nagulat siyempre si guwapong aktor dahil hindi naman niya ginawa. Nalaman niya agad na ang girlfriend na si magandang aktres ang may kagagawan, kaya pinagsabihan niya ito.
Sa kasalukuyan ay magkasama na sa condo ang aktres at aktor at medyo payapa na ang relasyon.
Richard, ayaw lumaylay ang Iron...
Nakipag-lunch muna si Richard Gutierrez sa ilang kaibigang entertainment press bago siya lumipad pa-Cebu para sa taping ng The Iron Heart. Isinabay na niya sa birthday celebration ng publicist nilang si Jun Lalin kahapon na ginanap sa Super Sam, Quezon City.
Tuluy-tuloy pa rin ang taping niya at marami pa raw aabangan sa mainit na kuwento ng serye niyang punung-puno ng aksyon. Nasa kalagitnaan na sila ng season 2 at hindi pa masagot ni Richard kung may season 3 pa ba.
Pero ayaw naman daw ng Kapamilya actor na pahabain nang pahabain ang Iron Heart at baka pagsawaan din. “Ayaw namin mag-drag too much ‘yung storyline. Baka mag-suffer na ‘yung… baka lumaylay e. May mga naisip naman akong possible storylines, na we have to discuss. So, based on that meeting malalaman namin kung hanggang saan.”
Pero tinanong namin siya kung open ba siya sa posibilidad na makipag-collaboration sa ibang istasyon kagaya ng dati niyang home studio na GMA 7. Sabi ni Richard, isa raw siya sa natuwa sa collaboration ng GMA 7 at ABS-CBN, itong Unbreak My Heart na malapit na rin ang airing. “Sobrang good news ‘yun. Kasi ngayon, we never thought na mangyayari ‘yun ‘di ba? They’re sharing talents. Before, never naman natin ginagawa ‘yun.
“So, for me that’s a breakthrough in our local industry, na ‘yung mga big bosses natin nasa isang lamesa at nagdi-discuss and nag-a-agree at gumagawa ng project. Magandang news ‘yun for our industry, kasi maraming artists ang gustong makatrabaho ang isa’t-isa, pero since nakatali sa isang network, hindi puwede. Naramdaman ko rin ‘yun before ‘di ba? When you’re here in this network, hindi mo puwedeng makatrabaho ‘yung ibang artists sa kabila. Let’s pray na sana mag-successful ‘yung first merge nila. Sana magtuluy-tuloy ‘yun,” masayang pahayag ng bida ng Iron Heart.
Tinanong na namin siya kung sakaling kasali siya sa isang collaboration ng GMA 7 at Kapamilya network, sino sa Kapuso stars ang gusto niyang makasama sa isang malaking project?
“If given a chance, of course I’d love to do something like that. Kami ni Dingdong, never pa kami nagsama sa isang project. Nagsama lang kami sa Mulawin, the Movie. Parang guesting lang siya, wala pa kaming eksena together. “So, it would be great to work with him,” pakli ni Richard Gutierrez.
- Latest